Sheena Halili at Janine Gutierrez solid Kapuso pa rin

MANILA, Philippines - Solid Kapuso pa rin sina Sheena Halili at Janine Gutierrez matapos mag-renew ng exclusive contracts sa GMA Network. Idinaos ito sa GMA Network Center nitong October 2, 2014.

Kabilang sa mga dumalo sa event sina GMA Senior Vice President for Entertainment Lilybeth G. Raso­nable, Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi S. Lara, GMA Artist Center Talent Manager Vic del Rosario, kasama sina Ms. Lotlot de Leon, at Katrina Aguila na kinatawan ni Ms. Becky Aguila bilang co-managers ng  Talent Development and Management Department. 

Lubos ang pasasalamat ni Sheena sa tiwalang ibi­nibigay sa kanya ng kanyang home network.

 “Isang dekada na ako sa GMA, at ngayon, pinapirma nila ulit ako ng another three years na Network contract, and sobrang happy ako dahil bago matapos ang 2014, ang dami rami nilang blessings na ibinigay. Meron akong show, ang Hiram na Alaala. Ne­ver akong nabakante magmula nang nag-start ako. Kahit anong character  talaga, ipinagkakatiwala nila sa akin,” sabi ni Sheena. 

Nakilala si Sheena nang sumali ito sa StarStruck. Matapos ito, sunud-sunod na ang paglabas niya sa mga teleserye, drama anthologies, variety shows, at mga pelikula. Sa ngayon, abala siya sa pagganap sa kanyang role sa primetime drama na Hiram na Alaala. 

Maligayang-maligaya rin si Janine sa natanggap niyang birthday blessing.

 “I’m so happy. I feel so blessed that they signed me to be with them again, and I just feel very lucky now kasi parang things are falling into place na mag-i-start ang bago kong show  tapos pumirma ako ng bagong kontrata, so very hopeful  lang ako and optimistic sa future ko, so nagpapasalamat ako sa Kapuso Network,” ani Janine. 

Nakilala si Janine nang magbida ito sa remake ng drama series na Villa Quintana. Doon din kinakiligan ang tambalan nila ni Elmo Magalona. Mas lalo pang hinangaan si Janine dahil sa kanyang appea­rances sa Sunday All Stars. Abala siya ngayon sa pinakabago niyang show kasama si Elmo na More Than Words.

Ayon kay Rasonable, marami pang plano ang Management sa dalawang Kapuso actresses.

“Both of them are very talented actresses at they’re  homegrown, so masaya tayo na rito pa rin ni­­la pi­niling ituloy ang kanilang career. 

Si Janine, she’s working on More Than Words now. This is her second team-up with Elmo, so I’m sure maraming ma­tutuwa. Lahat ng mga Janine-Elmo fans na tala­gang tinangkilik sila sa Villa Quintana before. This time, hindi heavy drama. Mas kilig pa,” saad ni Rasonable.

“Si Sheena naman is now in Hiram na Alaala. She’s doing drama, so tuluy-tuloy pa rin. We’ll still give them more projects that will hone their craft in acting,” dagdag ni Rasonable.

Show comments