Bea at Paulo malapit nang makamit ang hustisya!

MANILA, Philippines - Matititinding emosoyal na eksena at maaaks­yong harapan ang matutunghayan ng TV viewers nga­yong finale week ng top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon, na magwawakas na ngayong Biyernes (Oktubre 10).

Ngayong unti-unti nang natutuklasan ng lahat na buhay pa si Rose (Bea Alonzo), nalalapit na rin ang kanyang pagtuklas sa tunay na may sala sa pagka­matay ng kanyang amang si Henry (Chinggoy Alonzo) at ng abogadong si Emmanuelle (gina­gampanan din ni Bea).

 Magtatagumpay ba si Rose sa kanyang misyon ngayong alam na nina Carlos (Tonton Gutierrez) at Sasha (Maricar Reyes) ang kanyang tunay na pagkatao? Paano nila mapoprotektahan ni Patrick (Paulo Avelino) ang kanilang mga pamilya kapag natuklasan nila na ang matagal na nilang hinaha­nap na mastermind na si Muerte at si Carlos ay iisa? Ano ang mananaig sa huli—hustisya o kasamaan? 

Ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television. Ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, at Juan dela Cruz.

Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Po­bocan.

Huwag palampasin ang pina­ka­malalaki at pinakapinananabi­kang pasabog sa pagtatapos ng Sana Bukas pa ang Kahapon ngayong Biyernes sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Sana Bukas pa ang Kahapon bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/SBPAK.TV, Twitter.com/SBPAK_TV, at Instagram.com/DreamscapepH.

 

Show comments