Paulo ayaw nang commitment kay KC

Kamakailan ay sinabi ni KC Concepcion sa programang Kris TV na hindi niya karelasyon si Paulo Avelino ngunit malapit niya itong kaibigan. Sinang-ayunan naman ito ni Paulo at ayon sa aktor ay talagang matalik silang magkaibigan ng dalaga. “We were friends naman talaga ever since. Tulad ng sinabi ni KC sa Kris TV, we are best friends at nag-uusap naman kami ever since. Hindi nawala ‘yon, wala namang nagbago, we are friends. And pareho naman kaming nagta-trabaho ngayon, pareho kaming nagko-concentrate sa trabaho namin. So doon muna,” pahayag ni Paulo.

Hindi pa rin daw handang makipagrelasyon ang aktor ngayon dahil abala rin siya sa mara­ming bagay. “Committing is different. Siguro parang one ang dami ring kailangan pagtuunan ng pansin and we are both busy. ‘Yun nga, hindi mo naman malalaman kung sino ang makakatuluyan mo until you spend time with her,” giit ni Paulo.

Samantala, malaki ang pasasalamat ng aktor sa dating kasintahan na si LJ Reyes dahil sa pagi­ging responsableng ina nito na kanilang anak. “I’m happy and thank you rin for taking care of our son,” pagtatapos ni Paulo.  

Richard bilib na bilib sa asawa

Malaki raw ang paghanga ni Richard Poon sa asawang si Maricar Reyes sa pagiging magaling na aktres nito. Napapanood gabi-gabi si Maricar sa teleseryeng Sana Bukas pa ang Kahapon na pinag­bibidahan ni Bea Alonzo.

Para kay Richard ay sobrang natural daw ang gina­gawang pag-arte ni Maricar sa nasabing proyekto. “Sa totoo lang, I always believe, lagi kong sinasabi sa kanya na she’s a natural. At saka masipag siyang manood ng movies para mag-aral ng acting, ‘yung mga nuance lang na hindi halata, very subtle,” nakangiting pahayag ni Richard.

Proud na proud din ang singer para kay Maricar dahil marami talagang nakapapansin sa pagiging aktres ng asawa. “Bilib na bilib ako sa kanya at alam kong ako ay opposite sa kanya. Hindi ako marunong umarte, kinakabahan ako sa kamera, nate-tense ako. So she’s natural,” giit ng singer. Maraming naging online bashers si Maricar dahil sa pagiging magaling na kontrabida nito sa serye. “Basher? Kung mayroon man, ang attitude ko ay block it or avoid it. Siya, hindi din siya mapagpatol,” pagbabahagi ng singer.

Samantala, sa October 10 ay magwawakas na ang Sana Bukas pa ang Kahapon at ayon kay Richard ay magpapahinga muna raw si Maricar sa paggawa ng mga soap opera. Nagpaplano na raw magkaroon ng anak ng mag-asawa sa susunod na taon.

Reports from JAMES C. CANTOS  

Show comments