Luis bibili na rin ng property sa probinsiya ni Gov. Vi; Mga Batangueño First lady na ang tawag kay Angel!
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 30, 2014 - 12:00am

Nanghihingi pa ng isang buwan si Luis Manzano bago i-reveal ang decision kung papasok siya sa pulitika at kung ano’ng posisyon ang kakandidatuhan niya.

“I’m not closing my doors. Sabi ko nga, give me one more month to decide. Nakikipag-usap na ako sa ibang Batangueños. It’s a very long process,” pahayag ni Luis nang makatsika namin after the Axe Gold Pass Elimination Round sa Eastwood Mall  last Sunday.

Klinaro rin niyang hindi siya dinidiktahan ni Gov. Vilma Santos o ng stepdad niyang si Sen. Ralph Recto na kumandidato sa Batangas. Last term na ni Ate Vi kaya sinasabing si Luis ang papalit sa inang nagsilbing mayor ng tatlong term at governor din na magtatapos nga ang ika-third term sa 2016.

“They (Gov. Vi and Sen. Ralph) listen but they never told me to run. They never told me not to run. In a loving way sinasabi nilang ‘bahala ka sa buhay,” paliwanag pa ng aktor.

Pero aminado siyang nagpa-plano siyang bumili ng property sa Batangas. Though hindi raw ‘yun sign na yes na ang answer niya.

May hinihintay ba siyang sign? “I believe yes. Na if you wake up at sinasabi mo sa sarili mo na ready ka, ‘yun ang the best sign,” sagot ng actor/TV host na isa sa mga nagsilbing Axe council sa Axe Gold Pass with Solenn Heussaff and KC Montero.

Dalawang property ang pinagpipilian n­iyang bilhin. Pero mas gusto niya ang resort dahil sa passion niya sa diving.                  

Aminado rin siyang tinatawag nang first lady ng mga Batangueño ang girlfriend niyang si Angel Locsin na very supportive sa kanya. Minsan nga raw, si Angel pa ang nag-iisip ng mga puwede niyang gawin sa Batangas.

Hmmm. Just read between the lines…

Pero hintayin muna natin kung anong magiging decision ng aktor after a month.

Charice naglabas ng galit!

Nag-emote sa kanyang Instagram account ang tomboyitang international singer na si Charice last Sunday. Mukhang naloloka siya sa walang tigil na pamimintas at pang-aalipusta sa kanya.

“‘Di ko alam ang status ko kung mahal ba ako ng sarili kong bansa o kailangan ko pa ring i-prove ‘yung sarili ko.

“Pananalita ko, hitsura ko, mga sinusuot ko, buhok ko, sekswalidad ko, buhay ko, lahat na,” sabi niya bilang sagot daw niya sa mga bully sa social network sites.

 “Nagsasabi lang po ako ng totoo. Ganito na talaga ngayon. Masarap lang ilabas ang nararamdaman.

“Basta nandyan ‘yung mga totoong taong nagmamahal sa akin, Love you back at patuloy ang buhay!” sabi ni Charice na sa ASAP lang napapanood kada Linggo.

Kamakailan lang ay nagkaayos sila ng nanay niyang si Raquel na naging isang malaking balita. Tinanggap na rin ni Raquel ang GF niya.

Oh baka naman part lang ang emote na ito ni Charice ng kanyang promo sa pag-apir niya raw  sa episode ng kanyang Ninang Oprah na eere sa October 19?

Wedding gown ni Heart local designer ang gagawa

Local designer pala ang tatahi ng wedding gown ni Heart Evangelista for February 15, 2015, si Veluz.

Maraming humulang si Monique Lhuillier ang gagawa ng gown ni Heart pero mali ang hula dahil isang malapit kay Sen. Chiz Escudero ang nag­kuwento na ang local designer na bagets pa ang tatahi ng gown sa kanilang Balesin wedding.

Ayon sa website ni Veluz, nagkakahalaga ng P120,000 to P150,000 ang ready to wear gowns.

Sa custom made gowns naman, P200,000 to $5,000 ang halaga.

Pero hindi raw ito nag-o-offer ng wedding packages at ang mga design nito ay exclusively for bridal gowns ayon sa kanyang website.

Sa Malate, Manila lang ang shop niya pero meron daw siyang RTW representative sa U.S. ang Ever After Bridal, sa N.Y.

Magaganda ang mga sample gown ni Veluz sa kanyang website.

Si Michael Cinco naman na naka-base sa Dubai ang tatahi ng wedding gown ni Marian Rivera.

Jake Ejercito ‘nasaktan’ sa ginawa ni Andi, pero greatest love pa rin ang aktres

Sinagot ni Jake Ejercito ang pag-atungal ni Andi Eigenmann sa The Buzz last Sunday tungkol sa nararamdaman niya (Andi) nang makitang nakikipaghalikan na sa iba ang anak ni Erap.

Bagama’t nag-sorry at nag-apologized si Jake, mysterious naman ang dialogue niyang may nadiskubre siyang parang nasagasaan siya ng truck bago nangyari ang lahat.

Narito ang buong statement ni Jake sa kanyang Twitter account:

First of all, I don’t deny that I’m not a perfect partner or boyfriend. I’ve apologised to Andi and to the people who matter most to us for all my shortcomings and I still regret a lot of things I did wrong or failed to do.

I know a photo paints a thousand words. I am not washing my hands clean, but I did not intend for it to happen. If anything, my only slip-up was that I allowed it to happen.

Andi was the only girl I loved for four years and still is my greatest love. Before the incident, I discovered something that hit me like a truck. I am certainly not using it as an excuse, but it had a lot of bearing on how I reacted. I may not have chosen the best way to cope, but like what I said, I’m not perfect. And for that, I’ve also apologised to Andi.

I never directly addressed this issue in public as I would’ve wanted to keep it as personal and as private as possible. So I hope this will be the last time I would feel the need to.

 

ANDI BATANGAS CHARICE JAKE EJERCITO NIYA PERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with