Claudine inaabangan kung makikiramay: Raymart ayaw magsalita sa pagkamatay ng ina

PIK: Si Regine Velasquez ang isa sa special guests sa Sunday All Stars mamayang hapon dahil ilu-launch ang bagong talent show nitong Bet ng Bayan kasama si Alden Richards.

PAK: Parehong nakapag-move on na raw sina Rocco Nacino at Sheena Halili kaya pumayag silang magsama sa isang drama series.

Isinali na kasi si Sheena sa Hiram na Alaala sa GMA Telebabad at ang role na gagampanan ay laging si Rocco ang kasama.

Inamin ni Sheena na matagal silang ‘di nagkausap ni Rocco, pero nagkaroon din pala ng pagkakataong nagkausap sila at nagkaroon daw sila ng closure.

Masaya na raw siya para kay Rocco na nakikita naman daw niyang in love kay Lovi Poe.

Tinanong namin si Sheena kung ano ang maipapayo niya kay Lovi bilang girlfriend ni Rocco. Hindi siya nagsalita. “Ayoko namang makialam diyan,” sagot nito.

BOOM: Kahapon nagsimula ang lamay sa abo ni Mrs. Cielito Legaspi-Santiago sa La Salle Greenhills na nagsimula ng alas-tres ng hapon hanggang hatinggabi.

Ngayong araw ay bukas uli sa mga gustong makiramay mula alas-diyes ng umaga hanggang hatinggabi.

Naka-post sa Instagram (IG) account ni Raymart na merong pamisa ngayong araw ng alas-diyes ng umaga at alas-siyete ng gabi.           

Hindi muna nagsalita ang aktor, pero nag-post lang ito sa kanyang IG account na tahimik raw na binawian ng buhay ang kanilang ina.           

Sabi pa nito: “During this very difficult time, the outpouring prayers, love, and support of family and friends is absolutely invaluable. We are relieved that her passing was peaceful.”

Ang inaabangan ng lahat ay kung pupunta ba si Claudine Barretto sa burol ng kanyang mother-in-law.

Show comments