Andi hindi pa kayang patawarin ang ‘pagtataksil’ ni Jake

Aminado si Andi Eigenmann na nasaktan siya nang mabalitaan ang tungkol sa larawan ni Jake Ejercito kung saan ay makikitang may hinahalikang ibang babae ang binata. “Siyempre masakit pero wala tayong magagawa. It happened already,”  bungad ni Andi. Napag-usapan naman daw nina Andi at Jake ang tungkol sa nasabing larawan.

Sinasabing si Jake ang lalaking espesyal sa puso ng aktres kaya hindi pa raw mapapatawad ni Andi ang binata sa nangyari. “Kapag mahal mo ‘yung isang tao, kahit anong pagsubok na pagdaanan n’yo magkasama kayo as long as you’re sorry. As long as you learn from your mistakes. I would really love to forgive, it’s just that I’m not ready,” paliwanag ni Andi. Sobrang nasaktan daw talaga ang aktres dahil halos kasabayan nang pagkamatay ng amang si Mark Gil nang makita ang larawan ni Jake na kasama ang isang babae. “There are a lot of things that I’m going through. That’s more important to me and deserves my attention and my love. That’s where my focus is,” giit ni Andi.

Umaasa naman daw ang aktres na muli silang magkakaayos ni Jake pagdating ng takdang panahon. “Never say never because it’s always a matter of choice. If I want to fix things, if we want to fix things, we can. Pero I guess everything happens in its own time. Right now is not the right time,” pagtatapos ni Andi.

Jake gusto namang mag-iba ng career

Kinumpirma ni Jake Cuenca na hindi na siya muli pang magpapaseksi sa isang fashion show kaya naman itinodo na ng aktor ang pagpapakita ng katawan sa katatapos pa lamang na The Naked Truth. “It’s my last show. Siyempre I always come up with these gimmicks every time I do the Bench fashion show, and I always try to be as daring as I can. But ‘yun na nga, even before I did the show, I already announced that this was my last. So I said, ‘I want to go out with a bang,” kwento ni Jake.

Gusto raw ng binata na magkaroon ng ibang patunguhan ang kanyang career kaya nagdesisyon siya ng ganito. “I’m going to give it na to the younger people. I’m evolving in my career na I just want to focus more on acting,” paliwanag ng aktor.

Isa rin sa ginagawang paghahanda ng aktor para sa mga bagong proyekto na kanyang gagawin ay ang pag-aaral niya ng acting sa New York. Nakatakdang umalis ni Jake bago magtapos ang buwan. Mananatili si Jake sa isang apartment na malapit sa Lee Strasberg Theater and Film kung saan niya tatapusin ang acting workshop.  Reports from JAMES C. CANTOS

 

Show comments