Carla hindi napansin nang rumampa, Jake bagsak na ang porma ng katawan

SEEN: Panahon na upang ihinto ni Carla Abellana ang pagrampa sa mga fashion show ng Bench. Walang reaksyon ang audience nang rumampa si Carla sa The Naked Truth at ito ang kanyang destiny. 

SCENE: Tama ang desisyon ni Jake Cuenca na ang The Naked Truth ang huling pagrampa niya. Mga panglalait ang natatanggap ni Jake dahil  sa bagsak na porma ng kanyang katawan.

SEEN: Dapat tularan nina Jake Cuenca at Carla Abellana ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres na nanood na lamang dahil alam nila kung kailan dapat ihinto ang pagrampa sa denim and underwear fashion show.

SCENE: Sandali lamang ang hiyawan ng audience na mabilis na nabagot sa daring and sexy act nina Markki Stroem at Martin del Rosario.

SEEN: The who pa rin si Markki Stroem sa mga nanood ng The Naked Truth. Malaki ang tsansa na gumanda ang kinabukasan ni Markki kung babalik siya sa Norway at subukan ang kanyang kapalaran.

SCENE: Hindi na kailangan na maghubad nina Paulo Avelino at Coco Martin para makuha ang atensyon ng publiko. Malakas ang palakpakan ng audience  nang rumampa sina Coco at Paulo. 

SEEN: Pinagtatalunan ng manonood kung fake o totoo ang kaduda-duda  at kakaibang size ng bukol ni Tom Rodriguez. 

SCENE: Ang medyo lumambot na performance  ni Enchong Dee na nalibang at nakalimot dahil sa malakas na palakpakan ng manonood.

 

Show comments