^

PSN Showbiz

Aktres ayaw makipag-live in sa BF na nagpapatayo ng bahay

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mula sa Basta Everyday Happy, tumawid si Donita Rose sa Sarap Diva na kung saan may inihanda siyang Fish Sandwich sa mga wannabes na sumali sa challenge ni Regine Velasquez-Alcasid na makibirit sa kanya.

Itsitsika na rin ni Donita ang tunay na dahilan nang pagbalik niya ng bansa at ang pagtanggap nang hosting sa Basta Everyday Happy.

Sasagutin niya kaya ang natsismis na may problema sila  ng asawa niya? Abangan ang nakakaintrigang Sarap Diva ngayong umaga.

PAK: Nagsisimula na pala ang bahay na ipina­patayo ni sikat na aktor na bahay para sa iniirog niyang si kilalang actress/TV host.

Bandang Southern Luzon ang ipinapatayong bahay, kaya lang nagri-react ang magulang ni aktres dahil medyo malayo sa bahay nila.

Kung sakaling magpakasal ang dalawa, ang gusto sana ng mga magulang ay  malapit pa rin sa kanila. Kaya lang medyo malayo nga kaya iniisip pa ni actress kung titirhan ba niya ito.

 Sobrang attached kasi siya sa mga magulang niya. Kaya ang sabi ni actress/TV host, kahit mayari na ang bahay na ‘yun, hindi raw titirhan ni aktres hangga’t wala pang proposal ng kasal sa kanya si kilalang aktor.           

Abangan na lang natin sa susunod na taon.

BOOM: Si Rocco Nacino ang isa sa iniyakan ni Lovi Poe nang nakarating sa Kapuso actress ang mga matitinding pahayag laban sa kanya ni Direk Erik Matti.

 “Nalulungkot siya sa nangyari. Alam ko na madadaan naman sa pag-uusap ang lahat. Hindi lang niya maisip na umabot sa ganun.

 “Sabi ko sa kanya, you don’t have to worry, kasi marami naman ang nagsasalita na kilala nila si Lovi. A lot of people know na hindi ganun si Lovi,” pahayag ni Rocco sa presscon ng bagong drama series nitong Hiram na Alaala na magsisimula na sa GMA Telebabad sa September 22.

vuukle comment

ABANGAN

BANDANG SOUTHERN LUZON

BASTA EVERYDAY HAPPY

DONITA ROSE

ERIK MATTI

FISH SANDWICH

SARAP DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with