Gab maliit lang ang premyong natanggap

Salamat din sa lahat ng network, organisasyon, at asosasyon na nagbigay ng pagkilala sa apo kong si Gabriel Luis Moreno o Gab. Proud na proud ako sa batang ‘to na kahit napakaliit ng naibigay kong cash prize ay talagang appreciated niya.  Proud din ako sa anak kong si Federico at sa manugang ko na si Shiela Magdayao-Moreno sa ginagawa nilang pagpapalaki sa kanilang mga anak, ‘di lang kay Gab.

Dingdong at Marian nagtIwala

Uy, thank you, kasali ako sa tinatayang magiging Wedding of the Year nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Good of the couple para kunin na mag-ninong sa kasal nila. Alam kong magtatagumpay bilang partners ang dalawang ito. Perfect ang kumbinas­yon nila at may kanya kanya nang negosyo. Good luck sa inyo!

Miguel at Bianca inaasahang sisikat na

Magtatapos na ang Niño at nagpapasalamat ako sa lahat ng nakasama ko rito, ‘di lang mga artista kundi lahat ng tao sa produksyon. Ginawa nilang lahat na mapadali at mapasaya ang aming mga trabaho. Sana maging magandang simula ito para makilala pa ng lubusan at matanggap ng fans ang tambalan nina Miguel Tanfelix at Bianca Manalo.

Strawberry Lane dapat abangan, maganda ang trailer

Maganda rin naman ang makakapalit ng Niño, ang Strawberry Lane  na kasama naman ang isa kong alaga na si Jake Vargas.  Matagal-tagal din naman bago masusundan ang tambalan nila ni Bea Binene at sabi ni Vero Samio, ang ganda raw ng trailer. May pramis ng isang magandang istorya at maganda ang cast. Sana suportahan ito ng fans nila at manonood sa TV.

Show comments