Nagsakripisyo manager binitawan ang talent para bumongga ang karir

Bumilib kami sa sakripisyo ng isang manager na isinuko ang pagiging manager sa isa niyang ta­lent para lang hindi masira ang magandang takbo ng career nito. May isyu yata ang manager sa network kung saan nakakontrata ang talent nito at ang talent niya ang naiipit.

Nalaman ng manager na dahil sa kanya, kaya hindi bini-build-up nang husto ng network ang kanyang ta­lent. Ayaw ng manager na maging dahilan siya para hindi mabigyan ng big project at hindi sumikat ang ta­lent. Kaya nang banggitin sa kanya that he has to give up his talent at ibigay sa ma­nager na pinili ng network ang pagma-manage sa career nito, pumayag na siya.

Nagpapasalamat at kinikilala ng talent ang sak­ri­pisyo ng dati niyang manager, kaya nanatili ang respeto at pagmamahal niya rito. Hopefully, maging daan na ito para sumikat na ng husto at maging big star ang talent na isinuko ng manager.

Dennis irarampa na ang bukol!

Nagbunga ang pagda-diet at workout ni Dennis Trillo bilang paghahanda sa pagrampa niya sa The Naked Truth Denim & Underwear Fashion Show dahil sa press preview ng Bench para sa September 19 big night sa MOA Arena, isa siya sa pinalakpakan nang husto.

May kasamang sigaw ang palakpak, kaya tu­wang-tuwa ito at ilang beses nagpasalamat at yumu­ko sa ha­rap ng audience. To think na top­less at naka-white Bench pants siya nang rumampa at hindi pa naka-underwear.

Rocco at Lovi gustong gawan ng The Last King of Manila

Ang real life couple na sina Rocco Nacino at Lovi Poe ang gusto ni director Jun Urbano na magbida sa next movie niyang Rajah Sulayman: The Last King of Manila. Si Rocco ang gaganap na hari at si Lovi sa role ng prinsesang kapareha ng hari.

Kung si direk Jun ang masusunod, gusto niyang ito ang sunod na gawin pag­ka­tapos ng Ibong Adarna: The Pinoy Adventure na pinagbibidahan din ni Rocco. 

Malapit nang magtapos ang Ang Dalawang Mrs. Real, luluwag na ang schedule ni Lovi at ang shooting na lang ng Shake, Rattle & Roll XV ang gagawin kaya, kaya niyang gumawa ng isa pang pelikula.

Si Rocco ang medyo may problema dahil nagti-taping ito ng Hiram Na Alaala, pero hindi naman yata this year gagawin ang Rajah Sulayman.

Samantala, muling ipalalabas sa Promenade sa Greenhills ang pelikula nina Lovi, Paulo Avelino, Benjamin Alves, at TJ Trinidad na Sana DatiMaganda ang nasabing pelikula, panoorin ninyo sa September 13, 20, at 27.

 

Show comments