Marian sinuportahan ang dating ‘kasamang’ si Dennis!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2014 - 12:00am

Present sina Dennis Trillo, Derek Ramsay, LJ Reyes, Nicco Manalo, Alex Medina, Sunshine Garcia, at Richard Gomez sa Gala Screening ng The Janitor last Monday at narinig nila ang positive feedback ng audience sa action-packed movie. Tama ang sinabi ni direk Mike Tuviera na walang itatapon sa napili niyang cast dahil lahat mahuhusay at bumagay sa kani-kanyang role.

As expected, magaling si Dennis as the janitor na tao ang nililinis at si Derek, puwedeng bida-kontrabida. Bagay silang magsama, ang ganda ng confrontation at fight scene nila. Ang ganda ng twist ng story at dito lang namin napanood na namatay ang karakter ni Richard.

Dumating si Marian Rivera sa Gala Screening ng The Janitor, late na ito pumasok sa Main Theater ng CCP. Hindi kami sure kung nagkatinginan sila ng former manager niyang si Popoy Caritativo na kasama ang mother ni Dennis Trillo.

Nanood si Marian sa movie bilang suporta kay direk Mike Tuviera at sa APT Entertaimment na producer ng The Janitor.

Puwedeng i-release commercially ang The Janitor at panonoorin ito dahil kakaibang action at may hatak sa moviegoers ang cast.

Angeli nakilala dahil kay Niño

Nakita ni Angeli Bayani ang advantage ng artistang may regular soap nang mag-shooting siya ng Bwaya sa Agusan. Nakilala siya ng mga tao dahil napapanood siya sa Niño at marami  siyang eksena dahil friend ni Angelu de Leon ang role niya.

Isang Babaylan ang unang nakakilala sa kanya, kaya pasalamat si Angeli na napasama siya sa cast ng teleserye.

Anyway, ayaw umasa ni Angeli sa sinabi ni director Francis Xavier Pasion na malaki ang tsansa niyang manalong best ac­tress sa New Breed Cate­gory sa mahusay niyang pagganap sa role ni Divina, ina ng batang ina­take ng buwaya. Ngiti lang ang reaction nito sa paha­yag ng kanyang di­rector sa pelikula na pa­labas sa ginaganap na Cine­malaya X.

Maricel nakakabawi na

Napalitan ng mga pa­puri ang mga nakara­ang na blind items tungkol kay Maricel Soriano sa early days ng ta­ping at airing ng Ang Da­lawang Mrs. Real sa husay na ipinapakita sa teleserye ng GMA 7. Lumabas daw ang da­ting husay ni Ma­ricel at siya lang ang makapagbibigay buhay sa karakter na pino-portray sa te­leserye. Pinaha­nga nito ang viewers sa atakeng ginawa sa confrontation scene niya kina Dingdong Dantes at Lovi Poe.

ALEX MEDINA ANG DA ANGELI ANGELI BAYANI DENNIS TRILLO GALA SCREENING MIKE TUVIERA SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with