Alonzo Muhlach ayaw nang paawat

Mukhang hindi na mapipigilan ang tuluyang pagsikat ng Child Superstar-in-the making na si Alonzo Muhlach kapag natuloy ang magandang plano sa kanya ng isang major TV network na bilib sa pagkabibo ng bunso ng dating Child Wonder na si Niño Muhlach.

Unti-unti na ring gumagawa ng pangalan ang four-year-old son ni Niño na kasama sa pelikulang The Trial nina John Lloyd Cruz, Jessy Mendiola, Gretchen Barretto, Richard Gomez, at Maricar Reyes na pinamamahalaan ni Chito Roño under Star Cinema. Excited na rin si Alonzo sa shooting ng My Big Bossing’s Adventures, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na pagbibidahan ni Vic Sotto with Child Superstar Ryzza Mae Dizon.  May guesting din si Alonzo sa movie ni Dingdong Dantes, ang The Aswang Chronicles.

Maulit kaya kay Alonzo ang pagiging Child Superstar ng kanyang ama nung dekada `70s?

That remains to be seen!

Show comments