Pauleen kasal ang kailangan para tantanan ng paninira

Mapapagod lang sa kapapaliwanag si Pauleen Luna tungkol sa relasyon nila ni Vic Sotto pero hindi niya makukumbinse ang lahat ng tao na okay silang dalawa. Meron at merong mang-iintriga na hindi sila okay gaya sa paglabas ng isyu na may mga babae ngayong nagtatangka na guluhin ang relasyon nilang dalawa. Para lang magkaro’n sila ng katahimikan, kailangang pakasalan na siya ni Bossing. Ang hindi nila pagpapakasal ang naglalagay ng balakid sa pagitan nilang dalawa.

Jason ayaw maniwalang maaagaw ni Daniel si Vicky

Will Daniel Matsunaga cause the break up of Vicky Rushton ng PBB at ng boyfriend nitong si Jason Abalos? ito ang pinangangambahan ng marami na mangyari sa relasyon ng dalawa simula nang makita nila na parang nahuhulog na ang loob ng magandang dalaga kay Daniel Matsunaga. Pero kung si Jason ang tatanungin mo, wala itong pangamba, ni munti man, sa Brazilian/Japanese hunk. Naniniwala ito na rerespituhin ni Daniel ang relasyon nila ng girlfriend niya. Katunayan, nadarama niya ito kapag nakikita niya’t napapanood ang dalawa sa telebisyon. Naniniwala siya sa pagiging maginoo ni Daniel at kaya ganun lamang ka-close si Vicky dito ay dahil nami-miss na siya nito at ang buhay nito sa labas hg Bahay ni kuya. Pero hindi rin niya itinatanggi na nasasaktan siya sa mga pinagsasasabi ni Vicky tungkol sa relasyon nila.

Show comments