Anne tuyot na tuyot ang beauty, lumayas muna ng ‘Pinas

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2014 - 12:00am

SEEN: Lumitaw ang pagiging antipatika ni Lea Salonga sa semi-finals ng The Voice Kids noong Sabado. Nairita si Lea sa maingay na audience ng Resorts World Manila at hindi niya napigilan ang sarili na sumigaw ng “Shut up!”

SCENE: Ang “order” ng network management sa once a month replay ng Bubble Gang, ang top-rating gag show ng GMA 7.

SEEN: Si Jun Lana ang hinirang na best foreign language film director sa 3rd Madrid International Film Festival. Si Jun ang direktor ng The Barber’s Tales ng APT Entertainment.

SCENE: Hindi pa natutuloy ang plano ng Iglesia ni Cristo na mag-produce ng pelikula tungkol sa buhay ng founder ng kanilang simbahan. Hindi umabot sa Centennial Celebration ng INC sa July 27 ang pelikula.

SEEN: Si P-Noy ang special guest sa inauguration ngayon ng Philippine Arena ng INC sa Bocaue, Bulacan. World’s largest indoor dome arena ang claim ng INC sa Philippine Arena na may 55,000 seating capacity.

SCENE: Kahapon ang 35th birthday ni Claudine Barretto at ang 41st birthday ng kanyang asawa na si Raymart Santiago. Ang dalawa ang magpapatunay na walang katotohanan ang kasabihan na magkasundung-magkasundo ang dalawang tao na pareho ang petsa ng kaa­rawan.

SEEN: Nasopresa ang mga nanood ng She’s Dating the Gangster dahil maganda ang kuwento ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Na-master na ng direktor na si Cathy Garcia-Molina ang paggawa ng feel good movie.

SCENE: Lumipad sa Melbourne, Australia si Anne Curtis noong Sabado pagkatapos ng Its Showtime. Kailangan ni Anne na magpahinga at magbakasyon para mabawasan ang kanyang pagod na pagod na hitsura dahil sa halos araw-araw na taping ng kanyang natapos na teleserye noong Biyernes, ang Dyesebel.

 

ANNE CURTIS BUBBLE GANG CATHY GARCIA-MOLINA CENTENNIAL CELEBRATION CLAUDINE BARRETTO DANIEL PADILLA DATING THE GANGSTER PHILIPPINE ARENA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with