Ate Vi ramdam na biktima ng ‘panggagamit’

SEEN: Sa kabila ng apology ni Kris Aquino, naniniwala ang Vilmanians na sinadya niya na i-post sa social media ang dedication card ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na may wrong spelling.

SCENE: Matalino si Batangas Vilma Santos-Recto. Alam ni Vilma kung biktima siya ng panggagamit dahil sa matagal at maraming karanasan niya sa showbiz at pulitika.

SEEN: Natawa sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap nang marinig ang mga sariling boses kahit hindi pa bumubuka ang kanilang mga bibig sa song number nila sa presscon ng I Heart You 2, ang anniversary thanksgiving concert ng mga artista ng Be Careful With My Heart sa Smart Araneta Coliseum sa July 25.  

SCENE: Hindi pinasalamatan ni Bianca Bernardino ang tao na nag-abot sa kanya ng flower bouquet  sa presscon ng She’s Dating the Gangster. Si Bianca ang author ng She’s Dating a Gangster na isinalin sa pelikula ng Star Cinema at tinatampukan ng love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

SEEN: Ang advance 26th birthday celebration ngayon ni Sarah Geronimo sa ASAP 19. Sa July 25 ang actual birthday ni Sarah.

SCENE: Ang mall show ngayong hapon, 5 p.m. sa Market ng cast ng Dyesebel na pangungunahan nina Anne Curtis at Gerald Anderson.

 SEEN: Ang report ng Box Office Mojo International sa mga pelikula na ipinalabas sa Philippine theaters noong June 11 hanggang June 15.

Show comments