Sec. Pangilinan nagsalita sa ‘relasyon’ sa dating empleyado, GMA executives inisnab sa gaganaping binyag ni Zion

SEEN : Ang pag-amin na broken-hearted siya dahil kay Quezon City Mayor Herbert Bautista ang pantapat ni Kris Aquino sa pinag-uusapan na paglalantad nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa anak na si Zion.

SCENE : Walang  GMA 7 executives na godparents sa binyag ni Zion sa June 15.

Former contract star si Richard Gutierrez ng GMA Network Inc. at homegrown talent si Sarah Lahbati ng GMA 7.

SEEN : Kahapon ang mandatory conference ng ABS-CBN at MTRCB tungkol sa inirereklamo na nude painting challenge sa PBB All in.

Inaasahan ang public apology mula sa ABS-CBN ma­nagement.

SCENE : Hindi lang ‘condominium units’ ang ibinebenta ng starlet na si Krista Miller dahil ibinebenta na rin niya ang kanyang sasakyan.

SEEN : ‘No’ ang sagot ni ex-Senator Francis Pangi­linan sa Bandila nang tanungin tungkol sa  old issue na nagkaroon siya noon ng relasyon sa kanyang dating empleyado sa senado.

Nag-offer daw ng malaking pabuya ang kanyang misis na si Sharon Cuneta dahil alam nito  na hindi totoo ang tsismis.

SCENE : Dapat mag-alay ng itlog sa Monasterio de Sta. Clara sa Quezon City sina Boots Anson Roa at Atty. King Rodrigo upang hindi umulan sa kasal nila sa June 14.

SEEN : Umaasa ang mga baguhan na cast ng  Pinoy adaptation ng Pretty Little Liars na itutuloy pa rin ang kanilang show sa TV5.

April 2014 nang pabulaanan ng TV5 management na shelved ang local adaptation ng Pretty Little Liars.

SCENE : Si Mark Bautista ang producer ng The Best of Me, ang concert niya sa Crowne Plaza sa June 21.

First time concert producer si Mark kaya hands on siya sa pag-aasikaso sa The Best of Me.

 

Show comments