^

PSN Showbiz

Matteo sobrang tapang, nakayanan si Mommy Divine

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Bakit naman hindi mamahalin ng mom ni Matteo Guidicelli si Sarah Geronimo, eh girlfriend material naman ito. Ewan ko nga lang kung bakit inabot siya ng kanyang edad nang hindi siya nagkaka-boyfriend. Pero, ang tapang ni Matteo hah! Kinaya niya ang heavy guarding  ni Mommy Divine. Kaya naman bilib sa kanya si  Sarah. At ipaglalaban siya nito sa kanyang mommy dearest.

Mga anak nina Juday at Ryan hinahanda na sa showbiz

Marami ang natutuwa na makita ang mga anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa Eat Bulaga! Buti pa sa palabas ng Kapuso, nakikita ang dalawang bata, na sa commercial lang namamalas. May balak din kayang mag-artista ng dalawang bata?

Home-wrecker nina Cesar at Sunshine magaling umeksena

Biglang umagaw na naman ng atensyon ang babaeng sinasabing na­ging dahilan ng paghihiwalay nina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Aba, magaling siyang gumimik hah!, kinakagat ng publiko. “Yun nga lamang pawang mga negatibong reaksyon ang inaani ng mga pinaggagagawa niya.

Ka Freddie pinarurusahan ng anak

Tama lang na sisihin ni Ka Freddie Aguilar ang kanyang sarili dahil sa na­ging pag-uugali ng kanyang anak na si Maegan. Obvious na ini-spoil niya ito, at hindi pinatayo sa kanyang sarili. Ngayon mahihirapan na siya. Pero sana magkasundo pa rin sila. After all, iisang dugo ang  tumatakbo sa kanilang mga ugat.

CESAR MONTANO

EAT BULAGA

JUDY ANN SANTOS

KA FREDDIE

KA FREDDIE AGUILAR

MATTEO GUIDICELLI

MOMMY DIVINE

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with