^

PSN Showbiz

Mga gurang na ex ng BF ni singer-actress pinagtatakpan ng mga kaibigan?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Pilit daw na binubura ng mga kaibigan ng boyfriend ng isang singer-actress ngayon ang kanyang mga nakaraang relationship sa mga may edad at mayayaman niyang GF.

As in dina-divert daw ng mga kaibigan ng non-showbiz guy ang mga nakaraan nito sa ibang usapan.

Mayayaman daw kasi at mas older ang mga ex ng non-showbiz guy na hindi yata alam ng GF nitong singer-actress kaya protective ang mga kaibigan ng non-showbiz guy.

Iniiba raw ang isyu dahil inuungkat nga ng mga taga-showbiz ang umano’y pagka-gigolo ni non-showbiz papa.

Hmmm baka nga may mga nakararating na kay singer-actress na hindi magagandang kuwento about her apple of the eye ngayon, kaya may mga positive issue na lumalabas sa non-showbiz guy.

Willie Revillame sa ‘Public service channel’ babalik?!

“Sa UNTV pala babalik si Willie Revillame,” sabi ng isang showbiz insider, na nakarinig sa sinasabing pagbabalik ng TV host-comedian, habang tumatawa.

“Doon siya nakikipag-negotiate. Hindi naman kasi siya puwede sa ABS-CBN, GMA, at lalo na sa TV5,” dagdag pa ng kausap ko na hindi ko alam kung nagbibiro o seryoso sa kanyang sinasabi.

Ang UNTV ay kilalang public service channel kaya baka nga totoo ang sinasabi nitong kausap ko. Eh ‘di ba public service show ang forte ni Mr. Revillame ‘di ba.

By the way, guest si Mr. Revillame sa Startalk kahapon at tsinika si ‘Nay Lolit para sa birthday presentation ng huli sa programa.

Sinagot ng TV host na nagka-casino siya, pero pera raw niya ‘yun at wala naman daw siyang ibinibentang mga ari-arian. Kung meron man, hindi na niya raw kasi kayang asikasuhin.

Pero kahit walong buwan siyang wala sa ere andun pa rin ang a­ngas sa kanya. Pagpasok agad nag-dialogue agad siya : “Ah kaya pala ginuest n’yo ako, kasi launching sa kabila, ginamit n’yo pa ako,” sabi niya dahil nga balik The Buzz sina Kris Aquino at Toni Gonzaga sa ABS-CBN.

At nang minamadali na siya, nag-dialogue na naman siya na sa kabila na lang siya magpapa-interview.

Pero nagsabi nga siyang babalik siya pero wala siyang sinabi kung saan.

 

KRIS AQUINO

MR. REVILLAME

NAY LOLIT

PERO

SHOWBIZ

SIYA

TONI GONZAGA

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with