Toni babalik din sa The Buzz, kasama sina Boy at Kris

Ang Queen of All Media at King of Talk ang original na mukha ng dating The Buzz, ang long-running showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN pero sumailalim ang nasabing programa ng reformatting since then at kasama na rito ang pagpapalit-palit ng mga nakakasama ni Boy at maging ang titulo ay ginawang Buzz ng Bayan.

Nakasama na ni Boy sa programa sina Cristy Fermin, Ruffa Gutierrez, KC Concepcion, Charlene Gonzales, at Toni Gonzaga.  Sa huling reformat ng show, ginawa itong Buzz ng Bayan at saka ipinasok sa programa sina Janice de Belen, at Carmina Villarroel.  

Magri-reformat na naman ang Buzz ng Bayan at ibabalik ang dating titulong The Buzz, at muling ibabalik ang tambalan nina Boy at Kris. Makakasama rin ng dalawa ang dati ring host ng The Buzz na si Toni Gonzaga.

Base sa feedback kasi, mas gusto ng televiwers ang format ng The Buzz at tandem nina Boy at Kris na muli nilang pinatunayan sa kanilang bagong nightly show na Aquino and Abunda Tonight.

Hindi naman madi-displace sina Carmina at Ja­nice dahil bukod sa aktibo sila sa kanilang acting job sa mga teleserye ng ABS-CBN, bibigyan umano ang da­lawa ng isang morning show na pinatunayan na nila noon sa pamamagitan ng Sis, ang dating mor­ning show ng GMA kung saan din nila nakasama ang nakababatang kapatid ni Janice na si Gelli de Belen.

Ang pagbabalik ng The Buzz at nina Kris at Toni sa programa ay mangyayari umano sa darating na Linggo, May 18.

Heart bata pa lang nang madiskubreng gusto nang magpinta

Naka-display pa rin sa Artist Space ng Ayala Museum in Makati City ang mga paintings ni Heart Evangelista kahit nabenta na ang mga ito.

Sold out sa opening ang mga nasabing pain­ting. Balitang nagustuhan ito ng mga art collector na kahit baguhan lang si Heart since may pangalan siya, binili agad.

‘Yun naman ang importante sa mga artist. Dapat kilala ka para mabenta agad.

Kahit nga naman anong galing mo kung wala kang mga kaibigang mayayaman na bibili ng obra mo, wala ring mangyayari.

Naging posible ang first painting exhibit ni Heart dahil na rin sa tulong at suporta ng kanyang nobyong si Sen. Chiz Escudero.

At the age of three ay kinakitaan na umano si Heart ng kanyang mga magulang ng kakaibang ta­lent ng pagdu-drawing. 

Mas nakilala kasi si Heart bilang singer, actress at pagiging TV host at ngayon lamang nalaman ng pub­liko ang isa pa niyang hidden talent, ang pagpipinta.

Show comments