_ngayon
^

Aktres na tahimik ang image, grabeng manira

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2014 - 12:00am

Ipinagtanggol ng lea­d­ing man ng isang soap ang kaparehang aktres. Hindi raw ito palaaway at image lang nito ang pagkamaligalig. In fact, gusto ng co-stars at staff ang ak­tres na behave lang sa set at professional.

Reaction ng press na na­karinig sa pagtatanggol ng aktor sa leading lady, hindi nga palaaway ang ak­tres, pero mahilig ma­ni­ra at sa radio pa. Narinig kasi ng reporter ang interview sa aktres at ini­sa-isang siraan ang talents ng kanyang network.

Mabuti at hindi na siya sinagot ng mga siniraan niya at dinedma siya. Hindi rin naman naging big deal sa nakarinig sa kanya ang mga paninirang brinod­kast.

Mga lasing, gustong bitbitin si Marian kaya nanggulo sa taping?

Mabuti na lang at patapos na ang taping ng Carmela nang magkagulo sa bar na location set sa Malolos, Bulacan. Sa interview kay Direk Dominic Zapata na nasuntok sa mukha, dialogue raw ng isang lalaki, “ilabas n’yo na.” Si Marian Rivera kaya ang gusto ng kalalakihan na ilabas?

Puwede namang makita si Marian at ang ibang cast ‘pag nagti-taping na. Pasalamat ang staff na walang grabeng nasaktan sa kanila at sa mga artista at mabuti na rin na one taping day na lang yata sila, pero kailangang doble ingat at baka bumalik ang kala­lakihang nanggulo sa taping.

Carla nagpapatayo ng bagong bahay

Bukas, May 13, ang sinabing schedule ng meet­­ing para sa sitcom na gagawin nina Ryan Agoncillo at Carla Abellana sa GMA7. Ismol Family ang title ng sitcom sa direction ni Dominic Zapata at Saturday daw ang time slot, kapalit ng Picture! Picture! ni Ryan.

Ang sitcom ay isa lang sa bagong show ni Carla dahil may gagawin ding itong soap katambal si Tom Rodriguez.

Still on Carla, pinost nito sa Instagram (IG) ang groundbreaking sa construction ng tinawag niyang get­away home at ang hastag ay #villacara. Hindi binang­git ng aktres kung saan ang location ng ipinatatayong bahay.

Direk Louie umaariba!

Kinongratulate namin si director Louie Ignacio da­hil balik siya sa pagdidirek ng morning show at mu­sical show. Siya ang director ng Basta Every Day Happy, ang morning show ng GMA7 na magpa-pilot ngayong Lunes. Hosts sina Gladys Reyes, Do­nita Rose, Chef Boy Logro, at Alessandra de Rossi.

  Si Direk Louie rin ang napili ng network na magdirek ng dance show ni Marian na ang dinig naming title ay Marian. Every Sunday naman daw ito, primetime, pero hindi alam ni Direk ang eksaktong oras.

  Kinumpirma rin nitong kasama si Julie Anne San Jose sa show at may segment ito.

Gab engaged na rin sa GF na model

 Si Gab Valenciano ang latest Kapamilya star na “engaged” ang status dahil nag-proposed ito kay Tricia Centenera last Thursday, May 8. Pinost ni Gab sa Instagram (IG) ang picture ng fiancée suot ang engagement ring na ang caption ay “She said yes! at “when you know, you just know.”

Hindi pa namin alam ang reaction ni Gary Valen­cia­no sa engagement ng anak, pero si Angeli P. Valenciano, nag-react sa Twitter ng “a gra­duation and an engagement whew!” On the same date, nag-gra­duate sa Raffles Design Institute ang bunso nila ni Gary na si Kiana Valenciano.

Nakita namin si Tricia sa presscon ng Arise! con­cert ni Gary, itinuro siya sa amin ni Angeli at sabi pa, model ito at nagwu-work sa ANC Channel ng ABS-CBN.

 

ANGELI P BASTA EVERY DAY HAPPY CARLA CARLA ABELLANA CHEF BOY LOGRO DIREK DOMINIC ZAPATA SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with