^

PSN Showbiz

Herbert natatawa na lang sa break up nila ni Kris

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa June pa raw babalik ng bansa sina Tates Gana at dalawa nilang anak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Good Friday naman daw umalis ang mag-iina for the States para magbakasyon at makaiwas na rin sa press.

Umalis si Tates na hindi nagpa-interview at hindi sinasagot ang text messages ng mga kaibigang reporter. Sa close friends nito kumuha ng balita ang mga kaibigang reporter na in fairness, hindi nito kinontra. Ibig sabihin totoo o baka ayaw na lang nitong mag-react.

Ano kaya ang reaction ni Tates at mga anak nila sa balitang break na sina Mayor Herbert at Kris? Si Herbert, idinaan sa tawa ang sagot nang usisain sa estado ng relasyon nila ni Kris at ang TV host-actress, nagpaiksi ng buhok.

Paninira ng aktres sa kapwa aktres ibinuking ng staff na makati ang dila

Dapat maging careful ang aktres na ito (A1) sa pagkukuwento sa kanyang staff at mga kaibigan nang mga paninira sa isa pang aktres (A2) na kanyang nakaaway. Hindi alam ni Actress 1 na nakarating kay Actress 2 ang kanyang mga sinabi dahil naging madaldal ang isa niyang staff.

Mabuti at tumahimik na lang si A2, hindi na kumibo pero sa patuloy na paninira ni A1 sa kanya, wala na itong kabalak-balak makipagkaibigan pa sa dating kaibigan.

Hindi lang maintindihan ni A2 kung bakit ayaw pa siyang tantanan ni A1 at para bang pinu-provoke siya. Sa common friends nila, sinasabi ni A1 na ayaw na niyang makaaway si A2, pero sa mga alam ni A1 na kaibigan lang niya, patuloy pa ring sinisiraan si A2 without knowing na nakakarating dito ang panlilibak niya rito.

Jennylyn may sakit na naman, album nabibitin

Gusto sana ng GMA Records na ma-release ang album ni Jennylyn Mercado sa May, sabay sa birthday niya. Kaya lang, nakansela ang recording nito last Monday at kahapon dahil may sakit.

Inuubo si Jennylyn at mahihirapan nga naman itong mag-recording kung wala sa kondisyon ang boses. Umaasa ang mga taga-GMA Records na mabilis gagaling si Jennylyn para hindi sila magahol sa oras at matapos na ang album sa schedule.

Nauna na ang pictorial para sa cover ng album na wala pang title as of today. Tina-target na 10 songs ang masama sa album para swak sa 10th an­niversary ng bida ng Rhodora X, pero napili na ang carrier single na Abot Langit na composition ni Vehnee Saturno na sumulat ng iba pang songs sa album.

Bukod sa album, may bagong pictorial din si Jennylyn para sa Belo na malapit nang ilabas.

Maganda ang takbo ng career nito at masaya ang personal life kasama ang anak na si Jazz at pamilya.

Naka-move on na si Jennylyn sa break-up nila ni Luis Manzano at ang TV host-actor ay masaya sa piling ng GF na si Angel Locsin. 

Kaye si Paul Jake ang bagong boyfriend

Si Empoy ang very open sa pag-aming malaki ang crush niya kay Kaye Abad, pero hanggang press release lang ang comedian. Naunahan tuloy siya ni Paul Jake Castillo na nakasama ni Kaye at ng kanyang pa­milya sa  swimming noong Easter Sunday.

Si Gui Lorenzana ang last boyfriend ni Kaye at si Paul, si Melissa Ricks ang alam naming huling karelasyon. Kung magiging sina Kaye at Paul Jake, maraming matutuwa dahil sa positive reactions ng fans ng aktres sa binata.

 

vuukle comment

ABOT LANGIT

ALBUM

ANGEL LOCSIN

EASTER SUNDAY

GOOD FRIDAY

JENNYLYN

PAUL JAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with