^

PSN Showbiz

Kris hindi buntis!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sumama ang pakiramdam ng aming kaibigan na si Kris Aquino habang nagte-taping para sa programang Kris TV noong Martes. Agad na isinugod sa Makati Medical Center si Kris para mabigyang lunas ang nararamdaman ng aktres. Nagtanong daw ang doktor kung buntis si Kris kaya nakararamdam ito ng pagkahilo. “I am not pregnant! Nakakaloka! Tinanong ako, nakakaloka ‘yung doktor. Bago niya ako saksakan ng kung anu-ano. Sabi niya, ‘Ma’am, I hope you don’t mind…’ Sabi ko, ‘Yes, What?’ hilo-hilo pa ako ah. ‘I just have to know, are you pregnant?’ Sabi ko, ‘No, I’m not pregnant, doc! Nakakaloka!’” natatawang kwento ni Kris. “Hindi po ako pwedeng mabuntis! Wala po akong ginagawa para mabuntis ako! Can we just clarify that,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood ng live ang Kris TV ngayong araw at bukas sa mismong bahay ng Queen of All Media.  

Enchong, ‘asawa’ ang tingin kay Erich

Aminado si Enchong Dee na malaking bahagi ng kanyang buhay ang dating katambal na si Erich Gonzales.

Kahit magkahiwalay na ang mga ginagawa nilang proyekto ngayon ay masasabi ni Enchong na espesyal ang kanilang pagkakaibigan ng aktres. “I think if there’s a certain term for someone you’re with, like a marriage but really not marriage, but you know that you’re going to be with that person for a very, very long time, I think that’s Erich,” makahulugang pahayag ni Enchong. Masasabi rin daw ng aktor na si Erich ang kanyang ‘other half’ pagdating sa trabaho. “Parang siguro we’re married if we’re talking about work. She’s my wife at work. Kwento ko lang, kasi kinalakihan na namin ang isa’t isa eh. We’ve started together so ang pakiramdam ko, I think kahit matanda na kami we will always be paired together,” paliwanag ng aktor.

Kamakailan ay napabalitang magta­tambal sa pelikulang  Once a Princess sina Enchong at Erich kaya ito ang magsisilbing reunion pro­ject ng dalawa makalipas ang ilang taon. “Siguro kinailangan din namin ‘yung time apart, since Katorse halos every­day kami for two to three years magkasama, and now three years din kaming nagkaroon ng break and then magkakasama ulit kami. We’re hoping na sana naging mature kami along the way,” paliwanag ni Enchong.

Ngayong linggo ay nakatakda nang mag-shooting sina Erich at Enchong para sa nasabing pelikula.   Reports from JAMES C. CANTOS                            

ENCHONG

ENCHONG DEE

ERICH

ERICH GONZALES

MAKATI MEDICAL CENTER

NAKAKALOKA

QUEEN OF ALL MEDIA

SABI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with