^

PSN Showbiz

Lahat daw naghihiwalay, Heart natakot sa beach wedding

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Marami akong discovery tungkol kay Heart Evangelista kapag nagkikita kami sa studio ng Startalk tuwing Linggo.

Mabait at walang kaarte-arte sa katawan si Heart. Dire-diretso siya sa pagsasalita at kadalasan may mga sikreto siya na nasasabi dahil sa kawalan niya ng malisya.

Katulad noong Linggo, ang mga nagpapakasal sa mga beach resort ang aming topic. Napansin kasi ni Papa Ricky Lo na nagkakahiwalay ang mga couple na nagkaroon ng beach wedding.

Na-shock si Heart nang marinig ang aming kuwentuhan. Paano na raw ang plano nila na beach wedding ng kanyang boyfriend na si Sen. Chiz Escudero? Nabuking ko tuloy na true ang mga tsismis na may balak sila ni Papa Chiz na magpakasal ngayong 2014 at ang Balesin Island Resort ang venue na napili nila.

Type kasi nina Heart at Papa Chiz ng isang private at solemn wedding. Hindi madali na puntahan ang Balesin Island Resort kahit nasa Quezon province lang ito dahil kailangan ng chartered plane para marating ang bagong resort na dinarayo ng mga rich and famous.

Kung mapupuna ninyo, may mga pahiwatig na sina Papa Chiz at Heart tungkol sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib dahil sure na sure na sila na maging legal at forever ang relasyon nila.

 

Mikey Arroyo natulungan ng nanay ni Rep. Alfred kahit nung naka-wheelchair na

Isa si Mikey Arroyo sa mga unang nakiramay kay House Representative Alfred Vargas dahil sa pagpanaw ng nanay ng huli na si Atty. Susana “Ching” Vargas.

Nagkita kami ni Papa Mikey sa unang gabi ng burol ni Mama Ching sa Sta. Maria dela Strada Multi-Purpose Hall, Katipunan, Quezon City noong Linggo.

Malapit lang ang Sta. Maria dela Strada Church sa bahay na tinitirhan ni Papa Mikey sa La Vista.

Sinabi ko kay Papa Mikey na matagal ko na siyang hinahanap pero hindi ko siya mahagilap dahil pinalitan niya ang kanyang cell phone number.

Hindi raw siya nagpalit ng numero dahil ang kanyang cell phone unit lang ang pinalitan niya. Hindi ko na kinontra ang sagot ni Papa Mikey dahil nag-try ako noon na tawagan siya ng maraming beses pero iba na ang kanyang contact number.

Anyway, very close si Papa Mikey kay Mama Ching dahil matagal ito na nagtrabaho sa Malacañang Palace. Tita Ching ang tawag ni Papa Mikey at parang tunay na nanay rin ang turing niya sa namayapa na nanay ni Alfred.

Maraming fond memories si Papa Mikey tungkol kay Mama Ching na kahit nakaupo na sa wheelchair ay tinutulungan pa rin siya sa kanyang mga concern.

Nag-deteriorate ang kalagayan ng ina ni Alfred nang tumanggi na ito na sumailalim sa chemotherapy procedure. Napansin ni Alfred at ng kanyang mga kapatid ang mabilis na panghihina ng kanilang ina nang umayaw na ito sa chemotherapy.

 

Sikat na aktres lihim na dumaan sa maruming raket bago nakilala ang disenteng negosyante

May lihim na itinatago ang isang aktres na sikat na ngayon. Pa-booking din pala ang hitad noong mga panahon na nameless pa siya.

Mahihirapan ang aktres na mag-deny dahil marami ang makapagpapatunay tungkol sa kanyang extra-curricular activities.

Dahil sumikat na siya at kumikita ng limpak-limpak na salapi, tuluyan nang kinalimutan ng aktres ang kanyang dark past. Maingat na maingat na siya ngayon or else baka hiwalayan siya ng kanyang boyfriend na nagmula sa isang disente at respetadong pamilya kapag nalaman nila ang kanyang pinakatatago na lihim.

vuukle comment

BALESIN ISLAND RESORT

DAHIL

KANYANG

MAMA CHING

MIKEY

PAPA

PAPA CHIZ

PAPA MIKEY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with