Vice sa dyowa: ‘Mambabae ka, mag-asawa ka’

Vice Ganda

MANILA, Philippines – Alam ng komedyanteng si Vice Ganda na pagsasawaan din siya ng kanyang kasalukuyang boyfriend kaya naman itinutulak niya itong maghanap ng babae at magpakasal.

Sinabi ni Vice sa kanyang panayam sa “Buzz ng Bayan” na umere kagabi na hindi niya nakikita ang sarili na lalagay sa tahimik.

“Yung dyowa ko, magaasawa rin naman yun for sure,” banggit ng “Gandang Gabi Vice” host.

“Gusto ko mag-asawa siya. Sinasabi ko nga sa kanya pag nagaaway kami, 'Mambabae ka nga. Para hindi ka mastress, mambabae ka.'”

Dagdag niya na handa siyang magparaya oras na maghanap ng tunay na babae ang kanyang boyfriend.

“Gusto ko mag-asawa siya kasi, ewan ko, feeling ko magiging masaya rin naman siya doon,” kuwento ng TV host/comedian.

 â€œWala na akong kahati nun. Kapag nag-asawa na siya, sila na. Hindi na ako hahati,” dagdag niya.

Inamin din ni Vice na hindi normal ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na hindi pinapaalam kung sino.

“Siguro yung pinakatamang term, yung normal. Mas masaya kung normal. Eh hindi nga normal. That's the price. Mamimili ka,” paliwanag pa ni Vice.

“Gusto kong lumabas. Tulad mamaya, may party ako. Imbitado lahat pati mga barkada niya (his boyfriend), pero siya hindi, hindi siya pupunta. Hindi siya pwede pumunta.”

 Ipinagdiriwang ng “It’s Showtime” host ang kanyang ika-38 na kaarawan ngayon.

 

Show comments