Gaya-gaya kina Marian at Heart, Carla magpi-painting na rin

Nagparamdam na rin last Monday, a day after his birthday si Geoff Eigenmann sa followers niya sa Instagram, pero para lang magpasalamat sa mga bumati sa kanyang kaarawan.

Nasa birthday party niya si Carla Abellana, pero hindi siya na-mention ni Geoff sa kanyang thank you message at wala ring pinost na picture si Carla sa IG niya. Sina director Gina Alajar at Gabby Eigenmann ang nag-post ng pictures nina Geoff at Carla na ikinatuwa ng kanilang fans.

Sa pictures, kitang family member at manager ni Geoff na si Perry Lansigan ang nasa party. Kita sa picture na may goatee at bigote si Geoff na siguradong aahitin nito ‘pag may bago siyang project sa GMA 7.

Samantala, magpapatayo pala ng bahay si Carla at nabanggit nitong sa April na sisimulan ang cons­truction ng bahay.

Also, hindi kaya maakusahang gaya-gaya si Carla kina Heart Evangelista at Marian Rivera dahil magpi-painting na rin siya? Galing si Carla sa birthday party ni Geoff, kaya ang paniwala,  na-inspired siya after talking to Geoff.

 

Ellen Adarna walang paki sa lampungan kahit may karelasyon

Hindi itinanggi ni Ellen Adarna na may boyfriend siya nang tanungin sa presscon ng Moon of Desire. “Oo” agad ang sagot nito, pero curious kami kung sasabihin nito ang name ng BF kung may nag-follow up ng tanong.

Seven months na ang relasyon ni Ellen kay Raoul Olbes at may mga picture sila sa social media na magkasama. Suportado ng BF ang career ni Ellen dahil sa premiere night ng Basement, kasama rin nito ang boyfriend.

Sigurado ring walang magiging problema si Ellen sa kissing scene at love scene nila ni JC de Vera dahil hindi magseselos ang nobyo sa aktor. Masuwerte sina Direk FM Reyes at Raymund Ocampo sa kanya dahil game sa sexy scenes.

Kung maraming guys ang humahanga kay Ellen, marami namang babae ang galit sa kanya at bina-bash siya sa social media. Kung anu-ano ang itinatawag kay Ellen ng mga walang magawa at kita namang insecure lang sa kanya. Nag-thank you si Ellen sa mga humahanga sa kanya at dedma sa bashers niya.

 

Divine Lee balik-showbiz police

Nabasa namin ang tweet ng management yata ‘yun ni Divine Lee at ibinalitang nagti-taping na uli ang dalaga ng Showbiz Police ng TV5 kasama si Raymond Gutierrez at ibang host ng showbiz talk show.

Matatandaang ilang linggo ring hindi nag-taping ng kanyang show sa TV5 si Divine mula nang mahuli ang amang si Delfin Lee. Marami ang nakisimpatiya sa kanya dahil alam na mahal nito ang trabaho at ang telebisyon.

In fairness, hindi isinasali si Divine sa isyu ng kanyang ama at marami pa rin ang nagmamahal sa kanya. Batay ito sa mga nababasa naming comments sa Twitter.

 

Lance Raymundo may pangalawang operasyon pa matapos mapuruhan ang mukha ng barbell

Kahapon ng 7 a.m. ginawa ang first surgery ni Lance Raymundo para ayusin ang mukhang napuruhan nang mabagsakan ng 80-pound barbell at sanhi nang pagkadurog ng ilong nito.

Tinanong namin ang ina nitong si Nina Zaldua-Raymundo how her son is doing before the surgery at sagot nito, “Much better, he is spiritually and physically strong and ready for surgery.”

Nabanggit din ni Nina na kundi two ay three weeks from now, gagawin ang second surgery sa face ng anak. As of today, hindi pa rin pinapangalanan ang gym kung saan naaksidente si Lance pati ang name ng trainer na naging cause ng aksidente niya.

Aksidente raw ‘yun at naintindihan niyang hindi kasing high-tech ang mga gamit gaya sa first class gym. Isinaalang-alang din niyang 10 years na niyang pina-patronize ang nasabing gym at kaibigan na niya ang mga tao rito.

Show comments