Angel mag-aaral uli bago magpakasal
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 8, 2014 - 12:00am

Napababalitang nagpaplano na raw magpa­kasal ang magkasintahang sina Angel Locsin at Luis Manzano. Pero ayon kay Angel, mayroon pa raw siyang isang bagay na gustong gawin bago lumagay sa tahimik.

“Bago siguro ako mag-settle down gusto ko sana makapagtapos. Mahilig ako sa history. So, simula roon, tingnan natin kung may makukuha akong magandang course,” nakangiting pahayag ni Angel.

Aminado ang aktres na pinangarap niya noon na maikasal sa edad na 22.

“Ngayon 28 na ako medyo wala pa rin sa isip ko ang pagpapakasal. ’Pag dumating, ’di dumating, ’pag hindi, baka hindi pa talaga panahon,” giit ng dalaga.

Samantala, noong una ay nahirapan daw si Angel na gampanan ang kanyang papel bilang may-asawa sa teleseryeng The Legal Wife.

“Wala pa naman kasi akong asawa. So, hindi ko pa na-experience ’yung gano’ng mga pinagdadaanan. So, kumausap ako ng mga babaeng may asawa na pinagdadaanan ’yung same kuwento na nagkakaroon ng affair ’yung asawa nila para maintindihan ko. Sobrang gusto ko ’pag nakakagawa ako ng panibagong character na nakaka-relate ’yung ibang tao at somehow nakakatulong na rin sa pinagdadaanan nila. Malaking fulfillment ’yun para sa akin,” kuwento ng aktres.

Nikki ipinagdadamot ang dini-date

Masaya raw ngayon si Nikki Gil sa kanyang buhay pag-ibig. Matapos ang hiwalayan nila ng dating kasintahan na si Billy Crawford noong isang taon ay muli na raw nakikipag-date ang aktres ngayon.

“I’m happy. That much I can say. I’m definitely much happier now. I am at peace. Mapayapa ang life ko ngayon. So, parang I don’t want to do anything to mess that up,” bungad ni Nikki.

Sino at paano nga ba nakilala ng dalaga ang bagong nagpapatibok ng puso niya ngayon?

“Ayaw ko mag-share ng information. Nakaka-stress, baka ma-jinx pa. I want to try as much as I can to keep that part of my life private because we all know what happens if it’s not kept private. So, parang this time, as much as possible, I will keep it to myself first,” natatawang sagot ni Nikki.

Marami raw natutunan ang aktres mula sa limang taon nilang relas­yon ni Billy.

“It’s hard enough maintaining a relationship. Add to it pa klieg lights and so many people are involved. Mahirap na nga siya, mas mahirap pa talaga siya in the showbiz setting. So for me, sana malayo ko ’yung panibagong relationship ko, perhaps, sa spotlight. It helps, the non-showbiz part of it, kasi magkaiba kayo ng mundo. With anyone in general, anyone not in showbiz. Nakakakuha ka ng ibang perspective sa ibang bagay, outside of the world I know. So, in that sense, I prefer that he is non-showbiz,” paliwanag niya.        Reports from JAMES C. CANTOS               

AMINADO ANGEL LOCSIN AYAW BILLY CRAWFORD LEGAL WIFE LUIS MANZANO NIKKI NIKKI GIL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with