Vhong nakakalabas na, bubuwelta ngayon ng libel at perjury kay Roxanne

PIK: Masaya ang weekend ng mga game shows ng GMA 7 dahil magkakaroon ng special cross-over guestings sina Ryan Agoncillo at Eugene Domingo.

Tatawid sa Picture Picture ang mga gangnamms ng Celebrity Bluff na sina Brod Pete, Gladys Guevarra bilang si Chuchay, Wally Bayola bilang si Lolo Tan at si Boobay.

May bonus pang bisita na si Eugene Domingo na todo ang suporta sa mga gangnamms.

PAK: Suportado ni Tessie Tomas ang pagpapakasal ng anak niyang si Robin sa isang bading na lawyer sa New York kamakailan lang.

Sa presscon ng Kambal Sirena na kung saan kabilang si Tessie, nilinaw ng comedienne/TV host na wala siyang kontra sa desisyon ng kanyang anak na magpakasal sa kapwa-bading dahil matagal na raw ang relasyon nila.

Ayon kay Tessie, sampung taon na raw ang relas­yon ng dalawa, kaya okay lang daw kung napagdesisyunan na nilang magpakasal.

Hindi lang daw siya nakadalo noon dahil nasa England daw siya nung araw ng kasal ng kanyang anak.

BOOM: Mukhang tuluy-tuloy na ang pag-recover ni Vhong Navarro pagkatapos nang nangyari sa kanya.

Nag-post sa Instagram ang grupo ng mga fans ni Vhong na kasama nila itong lumabas.

Hindi lang nabanggit kung saan sila nagkita, pero sa ipinost na litrato ng ­  @­onlyvhongsters nakasama raw nila ang actor/TV host at nakipaglaro pa raw sa kanila ng pick-up game.

Baka ngayong araw daw ay magpa-file na si Vhong ng kanyang counter-affidavit sa kasong Rape na isinampa sa kanya ni Roxanne Cabanero. Malamang na kakasuhan din niya ito ng Libel at Perjury dahil sa paiba-ibang statement nitong si Roxanne.

As of presstime, wala pang kumpirmasyon ang abugado ni Vhong kung matutuloy sila ngayong araw.

Show comments