Ate V tahimik sa tunay na relasyon nina Luis, Angel
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2014 - 9:29am

MANILA, Philippines - Ayaw kumpirmahin ni Batangas City Governor Vilma Santos kung ano ang namamagitan sa anak na si Luis Manzano at Angel Locsin.

Sinabi ni Santos na abangan na lamang ang episode ng "Minute To Win It" ng ABS-CBN sa Pebrero 21 upang malaman kung nagkabalikan na nga ba talaga si Angel at Luis.

“Panoorin ‘nyo ang last episode ng Minute to Win it sa February 21,” sabi ng gobernador na lumabas sa report ng Philippine Entertainment Portal. “Malalaman ‘nyo doon kung sila na nga o hindi pa.”

“Panoorin ‘nyo lang dahil ‘yun din naman ang sabi sa akin ni Luis!" dagdag niya.

Samantala, pinabulaanan niya ang mga kumakalat na balitang hindi siya pabor kay Angel.

“Ever since naman, e, hindi ako nakikialam sa anak ko pagdating sa love life niya,” paliwanag ng batikang aktres.

“Kahit itanong ‘nyo pa kay Luis. Basta ako, lagi ko lang siya tinatanong kung kamusta siya. Pag sinagot ako ng anak ko, ‘okay lang, Mommy, at walang problema,’ e hanggang do’n lang ako.”

Sa katunayan, aniya, nagkakausap sila ni Angel sa pamamagitan ng text messaging.

Sa huli ay nais lamang ng star for all seasons na sa anak niya manggaling ang kumpirmasyon.

“Well, magsasalita lang ako kung plantsado na ang lahat."

ANGEL LOCSIN AYAW BATANGAS CITY GOVERNOR VILMA SANTOS KAHIT LUIS LUIS MANZANO MINUTE TO WIN IT PANOORIN PHILIPPINE ENTERTAINMENT PORTAL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with