Lovi umoo na kay Dingdong at Maricel!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2014 - 12:00am

Tama ba ang narinig naming si Lovi Poe na ang leading lady ni Dingdong Dantes sa bagong soap ng aktor? Hindi ang aktres ang unang narinig na kinunsider na makapareha ni Dingdong, apparently, siya na ang final choice dahil ang sabi, tinanggap na ng kampo ni Lovi ang project.

Nabalitaan din namin na ang magiging title ng soap ay Ang Dalawang Mrs. Real. Kung ganito ang title, ibig sabihin, sina Lovi at Maricel Soriano ang magiging leading ladies ni Dingdong?

Nakita namin si Maricel sa isang binyagan, pero dahil maraming tao and it was not the right time and the right place, hindi namin siya natanong sa soap na gagawin sa GMA 7. Pero tinanggap na nito ang project na kakaiba ang concept at title pa lang, nakakaintriga na.

Bago raw magtapos ang February sisimulan ang taping ng Ang Dalawang Mrs. Real  na sana hindi lang working title at final title na dahil may dating. Sa May naman daw ang airing nito sa direction ni Andoy Ranay.

Iza payag kahit extra

Gaya ni Joross Gamboa, gusto rin ni Iza Calzado na muling makatrabaho si Direk Olive Lamasan pagkatapos ng Star Cinema movie na Starting Over Again. Dagdag ng aktres, ayaw niyang maghintay ng another 10 years bago muling maidirek ng director.

Nangyari ito sa Milan na after 10 years pa nasundan ng Starting Over Again na showing sa February 12. Kahit daw mag-cameo lang siya o extra basta maganda ang role at kahit one scene lang, papayag siya.

Kuwento ni Iza na nalungkot siya sa last day shooting niya dahil naisip na hindi na niya makakatrabaho si Direk Olive at mga kasama sa movie. Kumpara sa mga bidang sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, mas konti ang shooting days niya, pero naramdaman pa rin niya ang lungkot ng cast.

Samantala, kagabi nagsimula ang airing ng The Biggest Loser na hino-host ni Iza. Looking forward din siya sa gagawing soap na kapalit ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Solenn magre-renew ng kontrata

Hindi na kami nagulat sa balitang magre-renew ng kontrata si Solenn Heussaff sa GMA Network dahil noon pa man, ‘pag tinanong kung magre-renew siya, “oo agad” ang sagot. Ang rason nito, “I’m happy with GMA and the shows they give me, bakit pa ako lilipat?”

Bukas, February 5, ang tentative date nang pagpirma ng kontrata ni Solenn sa Kapuso Network, doon malalaman kung ilang years at kung anong shows ang gagawin sa new contract.

Ang alam namin, papasok si Solenn sa Adarna at makaka-love triangle nina Geoff Eigenmann at Kylie Padilla.

Gian dalawa ang pino-pormahan

Nakasabay naming manood ng opening ng musical play na Rak of Aegis si

Gian Magdangal sa PETA. Hindi namin natanong kung si Aicelle Santos ba ang rason kung bakit nanood siya ng musical play?

Nali-link kasi sina Gian at Aicelle, pero nali-link din ang singer-actor kay Frencheska Farr, hindi tuloy namin alam kung sino talaga sa dalawa ang tunay niyang nililigawan.

Inererekomenda namin ang Rak of Aegis dahil maganda at mahuhusay ang buong cast sa pangunguna nina Robert Seña, Isay Alvarez, Aicelle, at ang buong cast. Habang nanonood, hindi mo alam nakiki-sing-a-long ka na pala.

Special guest sa opening night ang Aegis Band na muntik maiyak sa pagtanggap ng tao sa kanila. Maraming foreigners na nanood at kitang nag-enjoy din sila.

Marian at Alden parang magka-edad lang

In fairness, may chemistry sina Marian Rivera at Alden Richards sa Carmela at kinilig ang viewers ng kanilang soap nang una silang mapanood na magkasama sa eksena. Sa ganda nila sa screen, hindi na maiisip ang agwat ng kanilang edad.

 

AEGIS BAND IZA MRS. REAL RAK OF AEGIS SIYA SOLENN STARTING OVER AGAIN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.