Nikki Gil pilit na binubuhay ang lumang isyu sa hiwalayan nila ni Billy­­
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - December 18, 2013 - 12:00am

Seen: Carbon copy ni Paolo Paraiso ang da­lawang anak na lalake nila ni Mylene Dizon. Kasama ni Mylene ang dalawang anak sa presscon ng 10,000 Hours noong Lunes.

Scene:  Proud si Robin Padilla kay Mariel Rodriguez dahil nakatulong ito sa pagpapatayo ng bahay ng mga nasalanta ni Typhoon Yolanda sa Bantayan, Cebu.

Seen:  Wala nang interesado sa mga rebelasyon ni Nikki Gil sa tunay na dahilan ng break up nila ni Billy Crawford.

Luma na ang isyu na binuhay uli ni Nikki.

Scene: Matunog na Madam ang tawag ni Alwyn Uytingco sa kanyang future mother-in-law na si Jean Garcia.

Seen: Iniasa sa social media ng producer ng Kaleidoscope World ang promo ng kanilang pelikula na official entry sa 2013 Metro Manila Film Festival kaya kakaunti ang nakakaalam kung anong nangyayari sa kanilang pelikula. The who ang mga bida at supporting cast ng Kaleidos­cope World.

 Scene: Hindi nagkatotoo ang hula ng Kung Fu Divas director na si Onat Diaz na magiging big star si Edward Mendez pagkatapos ipalabas sa mga sinehan ang kanilang pelikula

Seen: Mapangahas ang sexy pictorial nina Derek Ramsay at  Edward Mendez sa 2014 calendar ng Belo Medical Clinic. Maraming nanghihingi ng kopya ng kalendaryo.

Scene: Dismayado kina Pre­sident Noynoy Aquino at DILG Secretary Mar Roxas ang mga tao dahil napuntahan nila ang SM North Edsa nang looban ng Martilyo Gang ang  isang jewelry store noong Linggo  ngunit hindi sila nakita sa Skyway, ang pinangyarihan ng bus accident noong Lunes na kumitil ng maraming buhay.

 

ALWYN UYTINGCO BELO MEDICAL CLINIC BILLY CRAWFORD DEREK RAMSAY EDWARD MENDEZ JEAN GARCIA KALEIDOSCOPE WORLD KUNG FU DIVAS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with