Luis wala pa ring interes sa pulitika
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2013 - 12:00am

Hindi rin nakapagtataka kung wala pang masabi si Luis Manzano tungkol sa balak nilang mag-ina ni Ate Vi na pumasok siya ng pulitika. Bata pa siya at ini-enjoy pa ang kanyang buhay. Bibihira rin ’yung trabaho na enjoy ka na, kumikita ka pa ng malaki. Kaya huwag siyang pagmadaliin.

Kung talagang nakalinya siya sa pulitika, dara­ting din ang panahon na haharapin niya ito. Huwag lang muna ngayon na gusto niyang enjoy-in ang kabataan niya.

Kapag nagpulitika na siya puro trabaho at problema na ang sasabakan niya.

Wrong timing kay Pacman

Sorry, sorry. Nang mag-agree akong huwag pa­tawan ng buwis si Rep. Manny Pacquiao ay agad ko ring naisip na unfair ito sa maraming tao na nagbibigay din ng dangal sa bansa pero nagbabayad ng tax.

Kung ginawa ito nung una pa I’m sure walang tututol pero ngayong nauna na ang mali bago ang pagtatama, wrong timing ako.

Tama si Gov. Vilma Santos-Recto, makipag-usap na lang si Manny kay Kim Henares. Hindi naman niya kailangang bayaran ng buo ang utang niya. Puwede niyang unti-untiin.

ATE VI BATA BIBIHIRA HUWAG KAPAG KAYA KIM HENARES MANNY PACQUIAO VILMA SANTOS-RECTO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with