Kris pinupuntirya ang posisyon ni Charo kapag nagretiro na

In a few years’ time ay magreretiro na ang pre­sident-CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio and she will definitely give up the post to somebody younger and capable na hawakan ang napa­ka­taas na puwesto ng Kapamilya Network.

May mga lumulutang na balita na interesado umano ang presidential sister na si Kris Aquino na kung tutuusin ay very much capable for the position na babakantehin ng actress-producer-TV host at lady boss ng ABS-CBN.

Kung pagkukumparahin, matagal na ring actress-TV host si Kris at pinasok na rin ang pagpo-produce ng pelikula tulad ng Segunda Mano, Sisterakas, at itong My Little Bossings, at pati proyekto ng iba. Although hindi pa hu­mahawak ng corporate position si Kris, hindi ito magiging mahirap dahil nagtapos siya ng kanyang pag-aaral sa Ateneo at halos mga kakilala niya lahat ang nasa ABS-CBN including its chairman, Gabby Lopez.

Hindi mapipigilan ang pagre-retire ni Charo na kung tutuusin ay napakahirap i-fill up ang puwes­tong iiwanan niya. Kung hindi man kay Kris mapunta ang puwesto, tiyak na merong papalit na iba who is also capable sa posisyon.

Miss Saigon madaragdagan ng bagong kanta

After 25 years, muling bubuhayin ng London’s West End and Broadway ang hit musical play na Miss Saigon na unang pinagbidahan ni Lea Salonga in 1989. Ang 17-year-old Fil-Am singer na si Eva Noblezada ng Charlotte, California, USA ang gaganap sa lead role na Kim, ang US-based singer-stage actor na si Jon-Jon Briones naman sa papel ng Engineer, habang si Rachelle Ann Go ang natoka sa papel ni Gigi na unang ginampanan ni Isay Alvarez, si Alistair Brammer as Chris, si Hugh Maynard as John, at Tamsin Carroll as Ellen.

Tulad ng ginawa noon ni Lea at ibang Filipino stage actor, muli na namang maiwawagayway ang bandila ng Pilipinas sa pagsisimula ng revival play ng Miss Saigon sa London, England at sa Broadway sa New York City, USA.

Muling magbubukas sa Prince Edward Theatre sa London ang Miss Saigon on May 21 with preview on May 3.

Samantala, magkakaroon ng bagong karagdagang kanta ang bagong version ng Miss Saigon na magkatulong ding kinompos nina Schonberg at Boublil, ang Maybe, na kakantahin ng character ni Ellen sa second part ng play.

               

 

Show comments