^

PSN Showbiz

P1M jackpot inuwi ng YouTube rapper

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang kauna-unahang milyonaryo sa Bet on Your Baby ay ang YouTube sensation at kilalang fliptopper na si Wendell “Dello” Gatmaitan na nanalo noong Sabado (Oktubre 26) ng gabi sa ABS-CBN pagkatapos ng TV Patrol Weekend. Hindi inakala ni Dello na sa isang iglap ay magiging milyonaryo ang kanyang pamilya matapos siyang umabot sa jackpot round na Basagin ang Ba­boy kasama ang kanyang maybahay.

Sa unang subok ay binasag niya ang piggy bank na naglalaman ng P50,000 habang ang piggy bank na may P60,000 naman ang nabuksan niya sa ikalawang subok. Suwerteng nahulaan ni Dello ang piggy bank na naglalaman ng isang milyong piso sa pangatlong subok na huli rin niyang tiyansa. Sa umpisa pa lamang ng show ay sinabi na ng mag-asawa na kung sakaling mapanalunan nila ang jackpot ay ilalaan nila ito sa pag-aaral ng kanilang anak.

BASAGIN

DELLO

GATMAITAN

OKTUBRE

PATROL WEEKEND

SABADO

SUWERTENG

WENDELL

YOUR BABY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with