Kaya sabay umamin Paulo at LJ nagsabwatan sa kanilang hiwalayan?!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2013 - 12:00am

Ang feeling ng press na nag-interview kina Paulo Avelino sa presscon ng Status: It’s Compli­cated ng Regal Entertainment, Inc. at kay LJ Reyes sa taping ng Prinsesa ng Buhay Ko, nag-usap ang dalawa na aminin na ang kanilang paghihiwalay. Kaya halos sabay silang umamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Nagulat nga ang press sa paulit-ulit na pagbanggit ni Paulo ng “anak” nila ni LJ sa Q&A at sa one-on-one presscon dahil noong mga nakaraang interview sa kanya, iniiwasan niyang mabanggit si Aki, anak nila ni LJ.

Dahil sa magandang pangyayaring ito, the next time na ipakita sa amin ni Paulo ang pictures ni Aki sa kanyang cell phone, hindi na siguro niya itatago. Kahit may ibang tao sa paligid, libre na niyang maipapakita ang picture ng anak.

Nakita rin pala namin ang controversial na hiwa sa wrist ni Paulo na patunay daw na nag-attempt ito ng suicide pero mukhang malinis ang hiwa at mukha ngang tattoo o baka nagkamali lang kami dahil mabilis lang ang pagpapakita ng actor sa wrist niya.

Kuwento naman ni LJ, puro  â€œwork” ang sagot ng anak ‘pag tinatanong kung nasaan ang ama. Saka nagkikita ang mag-ama ‘pag sinusundo ni Paulo si Aki para ipasyal.

Anyway, showing sa Nov. 6, ang Status: It’s Complicated sa direction ni Chris Martinez. Tuluy-tuloy namang napapanood ang Prinsesa ng Buhay Ko.

Aktres ang daming plano sa career, manager ang ini-stress

May rason naman palang ma-stress ang isang talent manager sa dati niyang talent dahil bukod sa daily na pangungumusta kung may bago siyang project, kaloka rin ang mga demand nito.

Okay lang sa aktres ang mother role pero ang request sa manager ay once a year lang siya gaganap na nanay. Gusto rin nitong i-try ang pagho-host at may binanggit na name ng actress-TV host na gusto niyang sundan. Ang problema, hindi pa siya nasusubukang mag-host at kailangang dumaan muna sa pagiging co-host.

Dagdag pa ng aktres, type rin niyang magkontrabida at, again, may binanggit pang gustong maging peg. Kaso hindi pa rin nito nasubukang magkontrabida pero bakit nga hindi subukan ng kanyang network sa kontrabida role ang aktres?

May bagong soap ang aktres at kahit hindi na siya ang manager, natutuwa ang bumitaw na ma­nager dahil walang kukulitin ang aktres.  

Alessandra gusto nang maging nanay

  Masaya si Alessandra de Rossi na kasama siya sa Magkano ba ang Pag-ibig? dahil katrabaho niya ang close friend niyang si Heart Evangelista at mga bagong ka-close na sina Katrina Halili at Ana Capri. Happy din siya to be working with director Maryo J. delos Reyes sa isang naiibang love story.

Pero kailan kaya bibigyan ng GMA 7 si Alex ng role na mas hahamon pa sa husay

niya bilang aktres? Sa calibre ni Alex, hindi ito nahihirapan i-arte ang karakter ni Gigi, parang naglalaro lang. Sana hindi sayangin ng network ang husay ni Alex, more pasabog na eksena sana ang ibigay sa kanya.

Nabanggit nito na ready siyang gumanap ng mother role, hindi lang binibigyan dahil hindi raw pang mother role ang kanyang katawan at mukha. Sa husay ni Alex, kahit hindi bagay ang katawan, kayang-kaya niyang itawid ang mother role.

Kaya mas enjoy si Alex na gumawa ng indie films dahil different characters ang ginagampanan at mas natsa-challege siya. Tinapos nito for Cinema One Original ang Woman of the Ruins at tiyak na may Cinemalaya movie rin ito.

AKI AKTRES ALESSANDRA ALEX BUHAY KO DAHIL PAULO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with