^

Anne uulitin ang major concert sa Araneta!

- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2013 - 12:00am

Hindi na talaga mababasta-basta si Anne Curtis pagdating sa kantahan. Kung dati ay pangarap lamang niya ang makakanta, hindi niya inaasahan na matutupad ang pangarap na ito on a bigger scale. Hindi lamang SRO ang concert niya sa Smart Araneta Coli­seum, platinum na ang kanyang debut album na ang titulo ay katulad ng titulo ng kanyang concert, ang Annebisyosa.

Dinala siya ng kanyang Annebisyosa concert sa maraming panig ng mundo at mata­gumpay din niyang nai-promote ang kanyang album. Ang magsisil­bing pinakamala­king sorpresa sa kanya ng Viva at magsisilbing pinakamagandang Christmas gift niya ay ang pagkakaroon uli ng isa pang major con­cert, her second, para sa unang sultada ng 2014. Katulad ng Annebisyosa concert, isasabay din sa kanyang pangalawang konsiyerto ang paglalabas ng panga­lawa rin niyang album na meron na sanang titulo pero ipinasyang palitan dahil nakasisi­rang puri sa kanyang pagkatao ang titulo. May tig-isang komposisyon sa album sina Billy Crawford at Christian Bautista.

So, hindi lamang pala ang 2013 ang magiging manigo para sa Fil-Australian actress/TV host, maging ang susunod na taon ay inaasahang magiging maganda para sa kanya lalo’t magkakaroon ng magandang resulta ang ginawa niyang journey sa international movie and music scene.

Iza lumilinaw na ang kapalaran sa Kapamilya

Humabol din ang magandang kapalaran kay Iza Calzado na matagal hinintay ang pagsisimula ng ikalawang aklat ng The Biggest Loser Pinoy Edition. Ito ang kauna-una­han sana niyang hosting job matapos siyang lumipat ng ABS-CBN mula GMA. Buti na lang at habang naghihintay siyang masimulan ang Biggest Loser ay napapanood siya sa ASAP at sa iba pang palabas ng istasyon.

Binigyan din siya ng serye kasama si Andi Ei­gen­mann. Ngayon, may isa na namang teleserye ang nakatakda niyang labasan, ang You’re My Home for an early 2014 release. May gina­gawa rin siyang pelikula kasama sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Hindi katulad ng maraming artista na madaling mawalan ng loob, nagtitiwala si Iza na nagsisimula na ang maganda niyang kapalaran bilang Kapamil­ya.

Angel at Phil nanahimik

After Luis Manzano at Jennylyn Mercado sina Phil Younghusband naman at si Angel Locsin ang sinasabing naghiwalay?! Bakit naman, eh na­pa­­ka-matahimik at maganda ang kanilang samahan? Pero unlike many couples na ginagamit pang pro­­mo nila ang pakikipaghiwalay nila sa kanilang mga karelasyon, tahimik lamang ang aktres at ang football-star. Mabuti naman dahil baka magkaro’n pa sila ng balikan.

Kung magsasalita sila ngayon, liliit pa ang tsan­sa nilang magkabati pa. Huwag na silang gumaya sa iba na talagang ipinangangalandakan ang paki­kipag­hiwalay sa kanilang mga dyowa. 

Bakit kina Kristoffer Martin at Joyce Ching, walang ingay na naririnig. Eh tatlong taon din silang naging mag-on?

 Okay lang na maghiwalay kung talagang hindi magkasundo pero sana gawin nila ito ng walang fun­­fare. Sa kabila kasi ng kaganapan sa kanila ng GF niya ay hindi naapektuhan ang trabaho ni Kristoffer sa Kahit Nasaan Ka Man.

Napanood na ang kissing scene nila ni Julie An­ne San Jose na pakiramdam niya ay naitumba na niya ang pader na nakapagitan sa kanilang da­lawa.

AFTER LUIS MANZANO ANDI EI ANGEL LOCSIN ANNE CURTIS ANNEBISYOSA BAKIT BIGGEST LOSER SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with