Maputi at seksing aktres na conservative ang BF idinadaldal na sanay matulog ng hubad!

Nakakaloka ang maganda, maputi, seksi, at makinis na aktres dahil walang pakialam na ikinuwento sa mga nakausap na reporters na natutulog siyang hubad. Bukod sa komportable, sanay na raw siyang matulog ng walang saplot ang katawan at wala siyang balak baguhin ang nakasanayan mula noong bata pa siya.

Hindi namin pinangalanan ang aktres for security reasons at baka biglang may sumulpot na lang sa bahay niya para siya’y silipan at gawan ng masama. Pinayuhan din siya ng press na ’wag nang itsika pa ang kanyang nakasanayang pagtulog ng hubad at baka nga gawan siya ng kahalayan.

Siguradong kagagalitan ang aktres ng kanyang boyfriend sa kadaldalan na pati ’yung sleeping habit ay tsinitsika pa sa press. Conservative pa naman ang aktor at makita lang na maiksi ang suot ng aktres o too sexy ang suot ay nagagalit na sa kanya.

Meagan Aguilar inilalantad ang pagkatao ng minor GF ng Tatay Freddie

Iniingatan ng media na ipakita ang face at pangalanan ang 16-year-old girlfriend ni Freddie Aguilar dahil minor nga pero ang anak ni Ka Freddie na si Meagan Aguilar, binanggit ang name ng syota ng kanyang “Tatay” (tawag nito sa ama).

  Na-interview si Meagan at ipinagtanggol ang ama, kaya lang nabanggit nito ang name ng dalagita and by now, pati sa Mindoro kung saan ito galing, kilala na siya at ang kanyang pamilya.

Hindi kami magugulat kung sa mga susunod na TV interview kina Freddie at sa GF, banggitin na ang name nito at baka ipakita na ang mukha.

LT boto na kay Kris para kay Renz

Ikatutuwa ni Kris Bernal ang kuwento ni Lolit Solis na dahil sa tambalan nila ng anak nitong si Renz Fernandez sa Prinsesa ng Buhay Ko, love na siya ni LT. Tuwang-tuwa ang aktres sa kanilang dalawa ng anak at hindi aka­laing may chemistry sila.

Nang makausap ng press si LT sa presscon ng Genesis, agad nag-agree na may chemistry sina Kris at Renz. Nagpasalamat ang aktres sa GMA 7 sa pagbibigay ng magandang project at magandang role sa anak. Ang next na aabangan daw ay si Rap Fernandez na balita namin, kasama sa cast ng Adarna.

Samantala, si LT nama’y napapanood sa Genesis at sa takbo ng story, pinalabas nito sa kulungan si Isaak (Dingdong Dantes) para mamuno sa Operation Genesis na pipili sa mga taong isasalba sa paggunaw ng mundo.

Sobrang challenged si LT sa kanyang role dahil hindi lang sa pananamit ang effort, pati sa kilos at delivery ng lines. Ang kapalit nito ay ang positive feedback ng viewers at inaabangan ang bawat eksena.

Show comments