Jennylyn nahuli raw nakikipag-date uli kay Dennis kaya hiniwalayan ni Luis
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Totoo bang si Dennis Trillo ang dahilan ng hiwalayang Luis Manzano at Jennylyn Mercado? ‘Di umano ay nadiskubre ni Luis na nakikipag-date ang aktres sa ex na Kapuso aktor. Hindi ito ang unang pagkakataon na nabalitang hiwalay na sila pero this time malabo na raw magkabalikan.

Lolit Solis atat nang mahalikan si Sarah

Hindi talaga nakatiis si ‘Nay Lolit Solis na tanungin kay Sarah Geronimo kung sa totoong buhay ba ay nakatikim na siya ng halik o lips to lips, nang magharap kahapon ang dalawa sa presscon ni Sarah para sa kanyang Perfect 10 concert.

Ang sagot ni Sarah : Waley pa siyang karanasan sa totoong buhay.

Meron daw sa mga ginawa niyang pelikula – kay John Lloyd Cruz na hindi naman torrid, smack lang.

Wish ni ‘Nay Lolit na mahalikan na si Sarah bago matapos ang taon.

Hahaha. Naku lagot kay Mommy Divine ni Sarah.

Gerald at Diana kinakikiligan, Maja hindi malayong magselos

Hindi raw kaya pagselosan na ni Maja Salvador si Diana Zubiri? Ang dami na kasing kinikilig sa tambalan nina Gerald and Diana sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin at meron na silang sariling fans club.

In fairness, malakas nga ang kilig factor ng dalawa sa teleserye ng ABS-CBN na napapanood gabi-gabi.

Maganda ang role ni Diana at parang mas challenging pa ang character niya kesa kay Cristine Reyes na isa rin sa mga bida ng serye.

Mga nakakita sa pakikipaghalikan ni ka-Freddie sa 16 years old, nangilabot

Maraming naalarma nang kumalat kahapon sa social media ang mga litrato ni Freddie Aguilar na nakikipaghalikan sa kanyang minor na girlfriend - 16 years old.

Walang kinilig sa nasabing halikan, mas nangilabot sila dahil parang apo na lang daw ng legendary singer ang kanyang nginasab ang labi sa nasabing mga litrato na galing sa Facebook account ng isang nagngangalang Angelica Rosario na sinasabing nakabase sa Singapore.

Nagkalat sa social media ang nasabing mga litrato.

Nauna nang inamin ni Ka Freddie sa isang website ang relasyon niya sa maituturing na minor pa dahil sa ating batas, edad 18 ang legal age. Pero sinabi ni Ka Freddie sa naunang interview sa kanya na may basbas daw siya ng mga magulang ng batang babae.

February 5, 1953 ang sinasabing araw nang kapangangakan ng singer ng Anak so 60 years old siya sa kasalukuyan.

Love is blind ba talaga? Ewww. Hahaha.

Ilang pulitiko puro tweets lang ang tulong sa mga nilindol

Puro tweets lang ang ginagawang pagtulong ng ilang pulitiko sa mga nilindol sa Bohol at Cebu

Wala silang sinasabing naghahanda sila dahil pupunta sila sa mga biktima ng lindol para magbigay ng mga pagkain o ilang panga­ngailangan.

Ano naman kaya ang tulong na magagawa nila kung tweet lang sila nang tweet?

Saan na ang mga pork barrel ng mga senador? Kung siguro ilalagak doon ang mga sobra nilang pondo, malamang mabilis na makakaba­ngon ang mga kawawa nating kababayan na pininsala ng lindol lalo na sa Bohol.

Nag-e-effort ngayon ang mga private organizations para tumulong sa mga biktima.

 

 

 

 

 

ANGELICA ROSARIO BOHOL BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN CRISTINE REYES DENNIS TRILLO KA FREDDIE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with