Cristine may ibang kasama sa skydiving

SEEN: Ang brown out sa Robinson’s Magnolia noong Martes ng gabi. Ni-refund ng cinema management ang ibinayad ng moviegoers dahil inihinto nila ang pagpapalabas ng mga pelikula.

SCENE: Bumalik na ang self-esteem ni Geoff  Eigenmann dahil sa 35 pounds na nabawas sa  kanyang timbang.

SEEN: Maraming baon na  kuwento ang mga artista at production staff ng Banana Nite na nakaranas ng magnitude 7.2 earthquake sa Bohol noong Martes.

SCENE:  Ngayon ang flight ni Lovi Poe sa Honolulu, Hawaii. Dadalo si Lovi sa Hawaii International Film Festival dahil kasali ang kanyang indie movie, ang Sana Dati. Babalik si Lovi sa Pilipinas  sa October 21.

SEEN: Ang denial ni Charee Pineda na sexy clothes ang sinusuot niya sa mga session ng mga  konsehal ng Valenzuela City. Konsehala si Charee ng Valenzuela City.

SCENE : Nag-skydiving si Cristine Reyes sa Hawaii. Kasama ni Cristine na nag-concert sa Hawaii si Derek Ramsay pero hindi sila ang magkasama nag-skydive.

SEEN  : Special guest sa 10th anniversary concert ni Sarah Geronimo sa November 15 si Jason Farol, ang Fil-Am na naka-duet ni Kelly Clarkson sa TV show na Duets.

Show comments