Megan darating ngayon

SCENE: Darating ngayon mula sa London si Miss World 2013 Megan Young. Bukas nang hapon, 2:00 p.m. ang motorcade ni Megan sa Ayala Avenue, Makati City.

SEEN: Ang mga negative comment sa whirlwind courtship at engagement ni Miriam Quiambao at ng book author na si Ardy Roberto, Jr. na naging biyudo lamang noong January 2013.

Hindi sinasagot ni Ardy ang ilan sa mga kaibigan niya na tinatawagan siya sa kanyang cell phone pagkatapos pumutok ang balita tungkol sa engagement nila ni Miriam.

SCENE: Dalawang project ni Dingdong Dantes ang magkasunod na mapapanood sa darating na Linggo. Pilot telecast ng Genesis sa October 14 at October 16 ang playdate ng pelikula nila ni Bea Alonzo sa Star Cinema, ang She’s the One.

SEEN:  Presidente ng Pilipinas na hindi mabuti ang role ni Jackie Lou Blanco sa Genesis. Hindi totoo na si ex-President Gloria Macapagal-Arroyo ang peg ni Jackie Lou.

SCENE: Adarna ang pamagat ng upcoming teleserye ni Kylie Padilla sa GMA 7. Sa susunod na buwan ang airing ng Adarna.

SEEN: Ang report ng Box Office Mojo International sa mga pelikula na ipinalabas sa Philippine theaters noong September 18 hanggang September 22.

Show comments