TJ Trinidad ninanamnam ang pagiging ama

Natutuwa ang actor na si TJ Trinidad na hindi siya nawawalan ng trabaho magmula nang siya’y maging Kapuso. May bagong TV project na naman si TJ, ang Genesis na pinagsasamahan nila nina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, at Lorna To­lentino.

Nakatulong din sa kanyang pagiging aktor ang kanyang best supporting actor na napanalunan sa nakaraang 9th Cinemalaya Independent Film Fes­tival para sa pelikulang Sana Dati na idinirek at pro­duced ni Jerrold Tarog para lalo siyang maging confident bilang isang aktor.

When not busy, ay ninanamnam ni TJ ang pagi­ging ama sa kanilang baby ng kanyang nonshowbiz wife.

Magre-retirong exec ng TV5 magtatayo na lang ng sariling production company

Bihira naming makakuwentuhan ang soft spoken at outgoing entertainment head ng TV5 na si Perci Intalan kaya when we bumped into him accidentally sa Toki Japanese Restaurant sa Bonifacio Global City sa Taguig City recently ay hinintay muna na­ming matapos ang kanyang meeting with a popular actor and his manager bago kami nag-usap.

Kinumpirma sa amin ni Perci na hanggang December this year na lamang siya sa TV5 at balak niyang magtayo ng sarili niyang creative and production company. Personal na nagpaalam ang gay executive sa big boss ng TV5 na si MVP (Manny V. Pangilinan). Pero bago ang pag-alis niya, nakatakdang umalis si Perci and his long-time partner, ang writer-director na si Jun Lana, on Oct. 6 patungong New York, USA for their planned simple and intimate wedding on Oct. 14 to be attended ng kanilang res­pective families and close friends.

Hindi naman kailangan ng sponsors sa kanilang wedding pero nag-volunteer diumano si Mother Lily Monteverde ng Regal Films na tumayong ninang.

Before the wedding ay magkikita-kita sila for a dinner sa New York to be hosted by MVP pero hindi na nito hihintayin ang wedding day nina Perci at Jun dahil meron itong ibang commitments na dapat ha­bulin.     

Sampung taon nang nagsasama ang lovers at ito’y tanggap na rin ng kanilang mga pamilya at mga kaibigan.

Sa isang hotel na malapit sa Central Park gusto nilang gawin ang reception ng wedding. Hindi na magkakaroon ng honeymoon ang dalawa dahil ki­na­­bukasan ay lilipad sila patungong Tokyo for the Tokyo Film Festival dahil kasali ang indie film na idinirek at produced ni Jun.

Rita, Kapuso uli

Balik-Kapuso si Rita Avila dahil kasama siya sa bagong teleseryeng Kahit Nasaan Ka Man na tinatampukan nina Julie Anne San Jose at Kristo­ffer Martin.  Huling napanood si Rita sa Never Say Goodbye ng TV5.

Ryan pipirma na sa orihinal na home network

Mukhang bagong venue ng GMA ang Manila Polo Club sa Makati City dahil magkasunod na dito ginanap ang renewal contract-signing event ng dalawang original Kapuso stars na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na siyang tinagurian ngayong reyna at hari ng GMA primetime, respectively.

Sa aming paniwala, araw na lamang ang hihintayin at nakatakda nang pumir­ma sa Kapuso Network ang mister ni Judy Ann Santos na si Ryan Agoncillo.

Show comments