_ngayon
^

Coco hindi na mahabol ng mga kalaban

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2013 - 12:00am

Napakasikat talaga nitong si Coco Martin. Hindi tumitigil ang pagdating sa kanya ng mga biyaya. Napakahaba na nang itinatakbo ng kanyang serye sa kabilang istasyon pero sinusubaybayan pa rin ito. Nagbigay daan din ito para sa pagsikat ng isa pang magaling na child star na gumaganap ng batang Juan dela Cruz sa isang pang-hapong serye na tinangkilik din.

Kamakailan ay napili si Coco na isa sa mga pinagkakatiwalaang product endorser sa bansa. Kaya pala pati mga maid of honor ko ay kapeng iniendorso niya ang iniinom. Hindi na talaga makahabol ang kanyang mga kalaban ha.

Be Careful… pinagdudahan ang lakas kaya umatras?

Ano kayang movie ang makakapalit ng Be Careful With My Heart na nag-withdraw na sa December filmfest. Kung sabagay, ako ay may alinlangan din na baka hindi makuha ng pelikula ang lakas ng suporta na nakukuha ng serye sa TV. Wala na kasing bago na mapapanood sa pelikula, lalo’t ang magiging ending siguro ng serye ay ang pagpapakasal nina Maya at Sir Chief.

Maganda ’yung desisyon nila na huwag nang sumali sa filmfest. Kapos sila sa panahon at ibuhos na lang nila ang lahat ng inaasahan nilang magpapaganda sa serye. Dito sigurado pa sila.

Sharon nakalimutang bossing si Ogie?!

Magtagal kaya ang tambalang Ogie Alcasid/Sharon Cuneta kung ganyang kabagu-bago pa lamang nilang nagtatrabaho na magkasama ay may aberya na agad? Totoo kaya na pinapaghintay ng matagal ni Megastar ang bago niyang ka-tandem dahil masama ang pakiramdam nito?

Sana hindi dahil kailangang hindi niya makalimutan na bukod sa pagiging artist ni Ogie ay isa rin itong bossing ng network na nararapat bigyan ng paggalang ng mga kapwa niya artista.

 

ANO BE CAREFUL BE CAREFUL WITH MY HEART COCO MARTIN CRUZ DITO OGIE OGIE ALCASID SHARON CUNETA SIR CHIEF
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with