Derek inakusahang insensitive at ungentleman

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - September 5, 2013 - 12:00am

SEEN: Nagpakontrobersiyal at gumawa ng sariling isyu si ­Derek Ramsay nang i-post niya sa kanyang Instagram account ang litrato nila ni Rayver Cruz habang inaagaw nito ang bola sa isang charity basketball game noong Linggo.

Deleted na ang litrato dahil sa mga batikos na natanggap ni Derek na inakusahan na ungentleman at insensitive.

Si Rayver ang ex-boyfriend ni Cristine Reyes na girlfriend ngayon ni Derek.

SCENE: Hindi lamang ang litrato ng pang-aagaw kay Rayver Cruz ng bola ang dahilan ng pagkairita ng netizens kay Derek Ramsay dahil nag-post din ito ng larawan nila ni Cristine Reyes habang naka-belat ang kanyang dila.

SEEN: Haharap ngayon sa MTRCB ang mga producer ng The Ryzza Mae Show para pag-usapan ang mga isyu na kinasasangkutan ni Ryzza Mae. Kasama sa mga inimbitahan ng MTRCB ang nanay ni Ryzza Mae.

SCENE: Ang update ng MTRCB sa mga isyu tungkol kay Ryzza Mae Dizon :  During the 14 August 2013 episode  of  The Ryzza Mae Show, a guest told the said child actress-host “landing bata ka” - to which the latter replied by pleading that she was just a child, and asking the said guest not to be harsh on her. These scenes palpably violate the dignity of the child and have to be addressed by the show’s producer, TAPE Inc., as well as GMA  Channel 7 over which the said shows air.

The MTRCB hopes in the cooperation of all those concerned in finding out what caused these scenes, who are responsible therefor, and what immediate and concrete measures can be done so they do not happen again. In this connection, the MTRCB reiterates its serious and urgent concern for the welfare of children, who are most vulnerable in media and entertainment.

SEEN: Kinairitahan ang character actress na si Mosang na nagsilbi bilang moderator sa presscon ng Momzillas dahil sa kanyang mga hirit na walang kakuwenta-kuwenta. Kulang sa pansin si Mosang sa presscon ng pelikula nina Maricel Soriano at Eugene Domingo.

SCENE: Rated A ng Cinema Evaluation Board ang  Ano ang Kulay ng Nakalimutang Pangarap, ang pelikula ni Joey Reyes na official entry sa Sineng Pambansa National Film Festival: All Masters Edition.

Mga bida sa Ano ang Kulay ng Nakalimutang Pangarap sina Ryan Agoncillo at Rustica Carpio.

SEEN: Kahapon, September 4 at hindi noong May 15  ang 48th birthday ni Rustom Padilla aka BB Gandanghari.

 

ALL MASTERS EDITION ANO CINEMA EVALUATION BOARD CRISTINE REYES DEREK RAMSAY NAKALIMUTANG PANGARAP RAYVER CRUZ RYZZA MAE RYZZA MAE SHOW
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with