Derek nagpakita ng ebidensiya na in love na in love kay Cristine!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 2, 2013 - 12:00am

Kinilig ang mga baklita sa kissing picturenina Derek Ramsay at Cristine Reyes. Ang litrato na naghahalikan sila ang ebidensiya na may relasyon na ang dalawa at proud si Derek sa relasyon nila ni Cristine.

Si Derek ang unang umamin na girlfriend na niya ang aktres. Ang ibig sabihin, in love na in love siya sa dalaga. Nag-post nga siya ng kissing picture nila, ’no?

Sandy miss na miss na ang bunsong babae

Miss na miss ni Sandy Andolong ang kanyang youngest daughter na si Mica na nag-aaral sa isang university sa San Francisco, California.

Mabuti na lang, busy si Sandy sa taping ng Anna Karenina kaya nababawasan ang pagka-miss niya sa anak nabunso.

Ang pag-aaral ni Mica sa US ang dahilan kaya nagpunta noon sa San Francisco si Christopher de Leon. Inihatid niya sa US si Mica.

Hindi naman masyadong malulungkot si Mica sa Amerika dahil magkakasama sila sa bahay ng kanyang Kuya Miguel at ng misis nito.

Mark at Rachelle Ann nakaka-pitong panalo na

Ang Tropang Trending ang nanalo kahapon sa Sunday All Stars. Tuwang-tuwa ang grupo nina Mark Bautista at Rachelle Ann Go dahil pitong beses nang nananalo ang Tropang Trending.

Members ng Tropang Trending sina Mark Herras, Kylie Padilla, Derrick Monasterio, Rochelle Pangilinan, at marami pang iba.

Raymart at Claudine basag na basag na ang relasyon

Lalong lumalaki ang hidwaan ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago. Tinutukan ko ang mahabang kuwento ng Startalk noong Sabado tungkol sa alitan ng mag-asawa kaya na-realize ko na malalim na ang sugat na iniwan ng kanilang hindi pagkakaintindihan.

Mabibigat din ang mga binitiwan na salita ni Inday Barretto, ang madir ni Claudine. Kung napanood ng nanay ni Raymart ang mga sinabi ni Inday, tiyak na masasaktan siya para sa kanyang anak na bunso.

 Base sa mga pahayag ng magkabilang kampo, napakalabo na magkasundo sina Raymart at Claudine. Ang panahon at ang Diyos ang tanging nakakaalam kung maaayos pa ang kanilang problema na kumbaga sa isang mamahaling vase, basag na basag na, hindi lang basta may lamat.

Ate Vi hindi pinatawad ng mga pirata

Active na active ang mga film pirate ha? May pirated copy na ang Ekstra, ang unang indie movie ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Kalat na kalat na ang pirated copies ng Ekstra sa mga bangketa at palengke. Ang sabi ng mga nagbebenta, may kopya na sila, ilang araw pagkatapos ipalabas sa mga sinehan ang critically-acclaimed movie ni Mama Vi.

Hindi nag-iisa ang Ekstra. Marami pa ang mga bagong Tagalog movie na nakopya agad ng mga pirata at ibinebenta sa murang halaga.

Aktres balik-normal ang mukha, kemikal na nilagay kumupas na

Back to normal ang face ng isang aktres. Hindi na siya hirap sa pagsasalita dahil wala nang bisa ang kung anuman ang inilagay niya sa mukha.

Fresh na fresh at mas maganda ang aktres kapag hindi pinapakialaman ng siyensiya. Wish ko lang, huwag na siyang mag-experiment. Iba pa rin ang likas at natural na kagandahan na nagustuhan sa kanya ng fans.

Yasmien babalikan ang first love

Excited si Yasmien Kurdi dahil magkakaroon uli siya ng bagong album. Matagal na nagpahinga sa pagkanta si Yasmien na singing ang first love kaya halos hilahin niya ang araw para makapagsimula na ang kanyang recording.

Maraming hit songs ang aktres bago siya nag-concentrate sa pag-aaral at pansamantalang nag-goodbye showbiz. Ngayong may panahon na uli siya, handang-handa na si Yasmien na balikan ang kanyang first love.

 

ANG TROPANG TRENDING CLAUDINE EKSTRA RAYMART SAN FRANCISCO TROPANG TRENDING YASMIEN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with