Paikot-ikot ni Sarah no. 1 din sa iTunes, naghahanda na sa kanyang major concert
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2013 - 12:00am

Ibinalita ng isang taga-Viva Records na No. 1 agad sa mga music store ang Expressions album ni Sarah Geronimo.

Nakakailang linggo pa lang ang nasabing album sa market pero malakas daw ito.

“Na-miss ng fans si Sarah. Matagal din kasi siyang hindi nakagawa ng album,” sabi ng Viva Records insider.

At nagpapasalamat si Sarah sa lahat ng mga bumibili. Siya kasi mismo ang line producer ng Expressions.

Bukod sa malakas sa mga music store, nag-No. 1 din sa iTunes Philippines ang natu­rang album.

Paikot-ikot ang carrier single na madalas na ring marinig sa FM stations.

Karamihan sa mga kantang kasama ay original at may ilang sinulat pa si Sarah.

Pure OPM Classics pa ang last niya, eight months ago pa.

Sinigurado rin ng Viva Records staff na tuloy na tuloy ang concert ng Pop Princess sa Nov. 15.

“Sabi ko nga malaki ito kesa sa kanyang 24/SG concert. Pinaghahandaang maigi ngayon pa lang,” sabi ng kausap ko.

Julia to the rescue sa mga nagagalit kay Cherie

Hindi rin nakaligtas sa pang-iimbiyerna ng fans si Cherie Gil dahil sa seryeng Muling Buksan ang Puso.

Kaya naman katakut-takot na hate tweets ang natatanggap niya lalo na ’pag inaapi-api niya si Julia Montes sa naturang serye ng ABS-CBN.

Kaya naman to the rescue agad si Julia bilang ang fans niya ang ‘suspek’ sa mga nagagalit sa magaling na aktres.

“Sabi niya sa akin, ‘Paggising ko ang dami kong hate tweets.’ Sabi ko, ‘Huwag kayong mag-alala at iki-clear ko ‘yan,’” sabi ni Julia sa presscon niya for Comfit, a footwear brand na second year na ring endorser ang young actress.

Sobrang galing daw kasi ni Cherie Gil so talagang kahit siya ay apektado sa kanilang mga eksena sa serye.

Minsan nga raw kahit tapos na ang eksena nila, tuloy pa rin ang pag-iyak ng teen actress at nahihirapan siyang pigilan ito.

Agad namang nagso-sorry si Cherie ’pag sobrang intense ang eksena nila.

Anyway, Julia said she was already a huge fan of Comfit, even before she was asked to be its endorser. She reveals that as a shoe lover, she likes Comfit for its stylish designs without compromising her feet’s comfort and affordability is definitely a plus, especially for young women like her who want to look good without making a huge dent on the budget.  

Liver ni Direk lino gumagana

How time flies. Ten years na pala since dumaan sa crucial operation si Taguig Congressman Lino Cayetano sa US para sa liver donation sa kanyang nasirang daddy na si Sen. Rene Cayetano. One third ng kanyang liver ang napunta sa ama na namatay din sa liver cancer kinalaunan.

Ngayon ay okay na uli ang liver niya.

“Tandang-tanda ko na sabi ng doktor, ‘In ten years, Lino, you will be fully healed. But your liver will start growing to full size in two years.’ I still have the big scar, that’s why I can’t be an actor, I can’t do bed scenes kasi makikita ’yung scar ko,” sabi niyang tumatawa nang makatsika namin early this week.

At wala muna sa plano ni Cong. Lino na mag-resume sa pagdidirek. Magko-concentrate muna siya sa Kongreso. Marami siyang iniisip na gawin kaya nakikipag-usap na siya sa mga kapwa niya baguhang kongresista. Almost 100 pala ang bagong pasok sa Congress at meron na siyang ilang mga naging kaibigan.

Right now, zero ang love life ni congressman. False alarm ang nabalitang dating nila ni Shaina Magdayao.

CHERIE GIL JULIA JULIA MONTES KAYA MULING BUKSAN NIYA SABI VIVA RECORDS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with