^

PSN Showbiz

Regine baka mauunahan pa ni Marian na lumipat!

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Si Regine Velasquez ang pinaniniwalaang susunod kay Ogie Alcasid sa TV5 pero mukhang mauunahan pa siya ni Marian Rivera. Nakikipag-usap na raw ito sa pamunuan ng Kapatid Network.

Ewan ko lang kung totoo dahil bakit siya ang makikipag-usap eh may manager naman siya? Pero siya ang reyna ng sarili niya. Kung liligaya ba siya sa gagawin niyang paglipat, so be it.

Kung si Ogie nakapagpasya na, siguro siya naman ang kariringgan natin ng kanyang desis­yon sa susunod.

Habang buhay na Kapuso

Why is it na kapag may artistang umaalis sa isang network ay palaging lumilitaw ang isyu ng utang na loob? Kawalan ba ng utang na loob kapag nagpasya kang iwan ang isang lugar na tinigilan mo ng mahabang panahon at kung saan ay nakilala ka?

Oo siguro kung sa panahong itinigil mo sa iiwan mong lugar ay hindi ka nagbigay ng magandang ser­bisyo at iniwan mo pang nakabitin sa ere. Pero kung nagpaalam ka naman ng mahusay, puwede ka bang tawaging walang utang na loob? Bakit naman ipagkakait sa isang tao ang karapatang mas bumuti pa ang kalagayan niya?

Iba ang pananaw ko rito. Ako siguro, hanggang kamatayan ko magiging Kapuso ako. Ang GMA ang pangalawang bahay ko. Dito naging buo at masaya ang buhay ko. At habang masaya ako, dito ako.

Maraming artista, magaganda

Meron bang artistang hindi beautiful? Hindi ba lahat ng artista ay maganda? Kaya nga sila artista eh dahil maganda sila. Kaya kayong hindi napasama sa listahan ng 100 Most Beautiful ng isang magazine ’wag kayong mai-insecure dahil libu-libo ang mga artista at lahat sila ay magaganda.

Huwag ang sexy, ibang bagay na ’yun, dahil ginagawa ’yun, pinaghahandaan. Huwag na kayong mag-effort na maging sexy, enough nang beautiful kayo.

vuukle comment

HUWAG

KAPATID NETWORK

KAPUSO

KAYA

MARIAN RIVERA

MOST BEAUTIFUL

OGIE ALCASID

PERO

SI REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with