Kris sumosyo, dinagdagan pa ang taxi business ni Luis
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2013 - 12:00am

Kamakailan ay nakumbinsi si Kris Aquino na mag-invest sa taxi business na pagmamay-ari ni Luis Manzano. Alam ng aktres na talagang kumikita ang ganitong klase ng negosyo.

“Ang ganda ng presentation nila and I trusted Luis. I know that there is a need and he started it three and a half years ago with just five taxis. Now he has one hundred forty taxis in three and a half years. And at the end of this year, because of the infusion na ginawa ko, there’s going to be two hundred. High school friends pa ni Luis ’yung mga nagpapatakbo and hands-on sila. And siguro nung hiningi ng lawyer ko na ang pumirma nung promissory note si Luis. So, alam ko na hindi ako tatakbuhan. I’m an investor dun sa expansion nila,” pagbabahagi ni Kris. “From what I understood, because maalaga sila sa drivers kasi binibigyan na ng SSS at ng Philhealth, may magandang benefits so hindi ’yung parang boundary lang. So, may relationship talaga. So, aalagaan. ’Yung franchise is for Southern Metro Manila.”

Hindi rin kailangang maglaan ng maraming oras ang aktres para sa kanyang bagong negosyo kaya hindi na siya nagdalawang-isip na pasukin ito. “This is a business na hindi ko kailangang sobrang tutukan pero alam ko na malinis ang returns at wala akong inaagrabiyado. Parang unang meeting pa lang, nagkatiwala na ako sa mga nagpapatakbo. Tama kasi when my mom was alive she used to say if you’re going to invest in something, either invest in yourself or invest in something where you’re sure about the returns and not in something because ’yung profits sounds too good to be true. Ito, stable,” giit pa ng Queen of All Media.

Enrique nakipag-heart to heart na kay Julia

Malapit nang mapanood sa Primetime Bida ng Kapamilya Network ang teleseryeng Muling Buksan ang Puso na pinagbibidahan nina Enchong Dee, Julia Montes, at Enrique Gil. Ayon kay Enrique, nagkaroon ng ilangan sa pagitan nila ni Julia habang nagti-taping sila. “Ngayon hindi pa namin alam kasi nag-start pa lang kami. Tingnan natin ’pag pabigat na kung ano ’yung mangyayari sa tandem namin. May konting awkwardness lang pero okay ’yun eh kasi ’pag walang awkwardness hindi nakakakilig. Kapag may gano’n, may something. ’Yun ang gusto ko,” nakangiting pahayag ni Enrique.

Hindi raw makakalimutan ng aktor ang unang araw ng taping nila ni Julia dahil nakapag-usap sila tungkol sa pag-ibig. “Nakapag-heart to heart talk kami. Nag-hot seat kami just to get to know each other. Minsan ’pag may heartbroken d’yan huwag ka magpapaka-sad sa ibang bagay kung sa tingin mo hindi worth it in the long run. May choice ka eh whether maging happy or sad. Minsan kasi ang babae masyadong emotional, super hurt, kaya nahihirapan mag-move on. Kung may relationship ka, dapat masaya ka lagi,” paliwanag ng aktor.

Wala raw kasintahan ngayon si Enrique dahil hindi pa siya makapaglaan ng panahon para sa relasyon.  Reports from JAMES C. CANTOS

 

ENCHONG DEE ENRIQUE ENRIQUE GIL JULIA JULIA MONTES KAPAMILYA NETWORK LUIS LUIS MANZANO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with