^

PSN Showbiz

Bagong kabanata sa buhay ni Juan Dela Cruz tinututukan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tutok na tutok na ang buong sambayanan sa no.1 superhero drama series ng ABS-CBN na Juan dela Cruz matapos mapalabas ni Juan (Coco Martin) ang sandatang Pana ng Karunungan mula sa bakal na krus. Ayon sa datos ng Kantar Media noong Miyerkules (Hunyo 18), humataw ng 32.5% national TV ratings ang  Juan dela Cruz.

Samantala, tiyak na lalong mapapa­kapit ang TV viewers sa mga makapigil-hi­ningang tagpo sa Juan dela Cruz ngayong inamin na ni Haring Samuel (Al­bert Martinez) kay Juan na siya ang tunay na ama nito. Anong gagawin ni Samuel upang makuha ang loob ng anak at makumbinse ito na pumanig sa kanilang lahi? Magtagumpay kaya siya sa planong isakatuparan ang kapalaran ng Anak ng Dilim? Sa pagbubukas ng bagong kabanata sa kanyang buhay, paano magbabago ang buong pagkatao ni Juan kapag nalaman niya na ang kanyang tatay ay ang hari ng mga kalabang aswang?

vuukle comment

ANAK

ANONG

AYON

COCO MARTIN

CRUZ

DILIM

HARING SAMUEL

HUNYO

KANTAR MEDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with