^

PSN Showbiz

AiAi pahinga ng isang buwan!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Isang espesyal na episode ang ihahain ni Regine Velasquez sa Sarap Diva bukas ng umaga.

Special guest nito ang iginagalang na Queen of Philippine Movies na si Gloria Romero kasama ang anak niyang si Maritess Gutierrez na magaling na chef at ang apo nitong si Christopher.

PAK: Kakaibang karanasan pala ang inabot ni Rocco Nacino sa shooting ng pelikula niyang Ibong Adarna na kinunan sa Banaue Rice Terraces sa Benguet kamakailan lang.

Inabot pala siya roon ng landslide na mabuti na lang at hindi umabot sa kanilang set.

Pero hindi rin siya nakabalik ng Maynila nung araw na iyon dahil wala na silang madaanan. At pati ang catering nila ay hindi nakarating sa kanila kaya gumawa na lang sila ng paraan na makakain sila.

Nagpalipas sila ng gabi sa isang inn malapit sa kanilang set at mabuti na-clear naman ang daan kinabukasan kaya nakaluwas na ito ng Maynila.

Kaya medyo na-disappoint si Rocco sa ’di pagkakapasok ng Ibong Adarna sa walong entries sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Pero naniniwala siyang may mas magandang lugar itong sasalihan at mabibigyan ito ng magandang playdate.

BOOM: Pagkatapos magharap nina AiAi delas Alas at Jed Salang sa korte kamakalawa ng umaga, itinuloy na ni AiAi ang biyahe niya pa-Amerika.

Kinagabihan ay umalis na ito kasama ang anak niyang si Sancho. Isang buwan siyang mawawala dahil ibubuhos niya iyon para sa kanyang mga anak.

“No comment” ang sagot ni AiAi kapag tungkol sa kaso ang tinatanong sa kanya.

Ayaw din niyang sagutin ang tanong naming bahagi ba ng bakasyon niya sa Amerika ay magpa-file na ng divorce ng kasal nila ni Jed?

Ie-enjoy daw niya ang isang buwang bakasyong iyon kasama ang kanyang mga anak kaya excited siya.

 â€œTingin ko mas doble ang saya namin ngayon kasi mas closer na kami ngayon. Saka malalaki na ang mga bata ngayon eh kaya parang mga barkada ko na lang sila,” pahayag ni AiAi.

                         

vuukle comment

AMERIKA

BANAUE RICE TERRACES

GLORIA ROMERO

IBONG ADARNA

ISANG

JED SALANG

MARITESS GUTIERREZ

MAYNILA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with