^

PSN Showbiz

Wally naaksidente sa motor, nakaladkad ng dump truck!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi sinipot ni Vic Sotto ang underwear fashion show ng Dickies na si Pauleen Luna ang celebrity guest. Inimbita si Bossing Vic ng mga taga-Dickies pero nagulat ang TV host-comedian sa imbitasyon na pang-underwear dahil ang buong akala niya ay iyon ang isusuot ni Pauleen.

Siyempre wholesome naman ito dahil sa atrium ng SM Mall of Asia ginawa kaya hindi puwedeng rumampa nang naka-panty at bra lang.

Nilinaw naman ng aktres na hindi nakikialam si Bossing Vic sa mga tinatanggap niyang trabaho. Maaaring nagri-react lang pero hindi nagdi-decide para sa kanya.

PAK: Marami ang nagtataka kay Benjamin Alves kapag pinag-uusapan si Rachel Ann Go kasi napaka-sensitive niya.

Hindi nila inaaming nagkaroon sila ng relasyon pero ilan sa mga nakakasubaybay sa kanila ang alam na nagkaroon daw talaga ng relasyon pero hindi nga lang nagtagal.

Nakatawa lang si Rachel Ann kapag tinatanong siya tungkol dito pero si Benjamin ay napaka-sensitive at kaagad na nag-react.

Susubukan naming itanong uli ito kay Benjamin sa pagtatapos ng afternoon drama niyang Unforgettable.

BOOM: Naaksidente si Wally Bayola kahapon ng madaling araw sa may Commonwealth, Quezon City nang pauwi na ito sakay ng kanyang motor.

Kinaladkad si Wally ng isang dump truck na naging sanhi nang pagkasugat ng paa. Kaagad na sinugod daw si Wally sa hospital pero safe naman siya.

Pina-CT Scan na rin ang komedyante at okay naman ang kanyang kalagayan.

Ang pagkakaalam namin, sumipot pa rin daw si Wally sa taping ng Celebrity Bluff kahapon. Nakaupo lang daw ito dahil hirap na hirap pa rin siya kumilos.

BENJAMIN ALVES

BOSSING VIC

CELEBRITY BLUFF

MALL OF ASIA

PAULEEN LUNA

QUEZON CITY

RACHEL ANN

RACHEL ANN GO

VIC SOTTO

WALLY BAYOLA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with