Gov. Vi hindi nagkapanahon sa birthday ni Luis
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 1, 2013 - 12:00am

Sayang at hindi nagkapanahon si Batangas Gov. Vilma Santos to join in the celebration of his son Luis Manzano’s 32nd birthday sa mga programa nitong Minute to Win It, Kapamilya Deal or No Deal, at Pilipinas Got Talent but she was ably represented by her son Ryan Recto in the latter show. Ang mga kapatid naman nito sa ama na sina Addi at Enzo Manzano ang sabay na naglaro sa Minute to Win It.

Nung Sabado naman, anim na araw makalipas ang kanyang birthday, nag-try naman si Edu Manzano na mapanalunan ang P2M sa Kapamil­ya Deal or No Deal pero nabigo ito. Ganun man, ang presence nilang mahalaga sa buhay ng TV host ay sapat na para maging perfect ang pagdiriwang ng kanyang birthday.

“Mom would have made it complete pero it’s election time and I know she has her hands full. Andun naman ang tatlong kapatid ko na rarely lang nakikita ng tao. Si Ryan has had his share of TV appearances pero sina Addi at Enzo I’m glad ay pinayagan ng Dad ko. Mas gusto niyang hindi sila nakikita para tahimik lang ang buhay nila,” sabi niya of his siblings na gaano man siya kaabala ay hinding-hindi siya mawawalan ng oras para sa kanila.

Siyempre nabanggit din si Jennylyn Mercado, his girlfriend of more than a year na itinanggi niyang pakakasalan na niya.

“Gusto ko pa siyang bigyan ng time para maging good mom sa kanyang anak. Baka when she’s fulfilled as a mom baka dun na kami mag-settle down. Pero not now, when we have so many things to do pa,” paliwanag niya.

Concert ni Daniel napanood din sa pay-per-view

Nag-avail ba kayo ng pay-per-view na inialok ng SkyCable para sa concert ni Daniel Padilla na ginanap kagabi? Hindi? Tsk. Sana napanood n’yo ang napa­kasayang palabas nang hindi n’yo na kinailangang lumabas ng bahay kasama ang lahat ng miyembro ng inyong household for the price of one. Na-enjoy n’yo pa ’yung  behind the scenes ek-ek bago ang konsiyerto mismo.

Come to think of it, sana gawan din ng ganito ang maraming palabas, concert man o simpleng show lang, para hindi na kailangang lumabas ng bahay ang mga gustong manood pero ayaw ma-hassle sa traffic dahil mainit at mahal ang gas, at kailangan pang kumain sa labas bago o makatapos ang show at sa mas murang halaga lang. Kung mga 8 o 9 na miyembro kayo ng isang household, mas mala­king tipid kung sa pamamagitan ng isang subscription lahat ay makakapanood na.

Wonder kung ilan ang nag-avail sa pay-per-view ng Kapamilya teener?

Shaina tikom ang bibig tungkol kay Direk Lino

Hindi sigurado si Shaina Magdayao kung role ni Angelica Panganiban ang nakuha niya sa isang pelikula na ginagawa niya na kasama sina Bea Alon­­zo, Angel Locsin, Toni Gonzaga, at Enchong Dee na kuwento ng limang magkakapatid at nasa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina. Nag-back out si Angelica sa nasabing pelikula pero hindi alam ni Shaina kung kapalit siya nito o ibang role ang napunta sa kanya. Sapat nang kasama siya sa itinutu­ring niyang malaking pelikula para ma-bother kung replacement lang siya sa movie.

 â€œHindi na ’yun importante. Tama nang magtrabaho ako hindi lang sa TV kundi maging sa movie. Ayoko nang mag-inarte pa at problemahin ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko dapat alalahanin, It’s enough that I have work. ’Yun lang naman ang isa sa mga dinadasal ko,” sabi ni Shaina.

Mas payat at mas gumanda ang aktres na nakapagbawas na ng timbang at ini-enjoy ang kanyang single blessedness. After her heartbreak, mukhang kung kani-kanino na siya inili-link. Bagama’t sinasabi niyang ayaw niyang makipag-relasyon pa, feel ng tao na obligasyon nilang hanapan siya ng partner at ’yung mga nalalapit sa kanya ay inuuna na nilang ireto sa kanya. Tulad nina Sam Milby, Piolo Pascual at, lately, si Direk Lino Cayetano na kahit gaano na kaabala sa kanyang kampanya sa pulitika ay nagawa raw na bisitahin siya sa kanilang bahay. Muli, tikom ang bibig ng aktres.

Zanjoe pinagsuot ng two-piece!

Matapos siyang kalugdan sa 24/7 na gumanap siya ng role ng isang beki na hanggang sa matapos ang istorya ay hindi  siya napagwagian ni Bea Alonzo, bakla na naman si Zanjoe Marudo sa pelikulang idinirek ni Wenn Deramas, ang Bromance. Dual ang role ni Zanjoe, bukod sa isang beki ay gumaganap din siyang macho. Both roles ay nagampanan ni Zanjoe ng mahusay.

Both roles will also require him to pay lip service sa kanyang mga ka-partner, bilang beking si Brandy kay Carlo Romero, at bilang machong si Brando na si Cristine Reyes ang makakahalikan niya.

Kinailangan din ni Zanjoe na magsuot ng two-piece bathing suit sa movie na hindi niya ikakatakot na magbibigay ng hindi magandang reaksiyon sa kanyang girlfriend dahil katuwiran niya, “Artista siya, maiintindihan niya.”

NIYA NO DEAL SHAINA SIYA WIN IT ZANJOE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with